Saturday, December 11, 2010

First Dinner :P

Saturday. December 10, 2010. Ust-Mang Ed's (Asturias)

hindi ko alam gagawin ko nung niyaya niya kong kumain ngayong araw. ayoko namang tumanggi kasi gusto ko naman din. landi.

hindi ko lang alam kung anong isusulat ko. ang alam ko lang natuwa ako na niyaya niya kong kumain sa unang pagkakataon, este unang pagkakataong tinupad niyang kakain kami.

sinundo niya ko sa grandstand. naglakad. nag-usap paunti-unti at hinintay akong makapagpalit ng damit.

naghanap kami ng makakainan sa Asturias, sarado ung Chew York kaya sa Mang Ed's na lang. ayun, kwentuhan. buti na lang hindi kami masyadong nagkahiyaan. masaya naman. masya talaga siyang kausap. bow.

hinatid niya ko sa field kasi hinihintay pala ako nila Ap and Laine doon. hindi ko agad kasi nakita ang message nila na pupuntahan nila ako. miss kona silang dalawa sobra. ayun, hanggang sa maihatid niya ko, nagkwekwentuhan padin kami.

sana lang hindi ako nonsense kanina. may mga oras na parang nababaluktot yung dila ko kasi ramdam kong nonsense ako. hohohoho

God Bless.

Apple Tart and Buko Pie

Friday. December 9, 2010. Ust-Grandstand

sinong mag-aakalang hindi pala siya kumuha ng Ph. D. sa Torpeology?

kung kelan ko naman hindi pinaniwalaan ang mga sinabi niya saka naman natupad. akala ko naman biro lang. akala ko isang paasa nanaman. ang bitter ko naman talaga. pero nakakagulat, this time totoo na pala. siguro talagang mas magandang hindi ka masyadong umaasa sa isang pangako. hayaan na lang na matupad at gawan ng paraan.

ngayong araw, hinintay niyang matapos ang napakatagal kong rehearsals para sa paskuhan sa kabila ng pagod galing retreat. hinatid niya kami ni Marvi sa sakayan pauwe at saka ibinigay sakin ang pasalubong niya.

natouch ako. ayokong maging plastic. kinilig ako. bow.

Thursday, December 9, 2010

i came to dance dance dance

ever since i learned to do some moves i fell in love with dancing.

whenever i hear the beat of a song, whenever i see people in the streets dancing with grace, whenever i try to groove i become my real self.

i just can't explain how different i am when i dance. i like it when i do it sexy, i love it when i do it with a blast.

only few people are aware that i have this passion for dancing. most people find it surprising if they happen to see me dance for the very first time. well, maybe because i do not really let them know about it- my love for it.

well at least know i'm doing it again. after years of break from this passion. after years of waiting for this kind of break. yes i know i have to manage my time and weigh my priorities well.

studies or rehearsals? i really need to be strong with this. majors or rehearsals? bonus points for perfect attendance or get a zero?

anyway, no matter it is, i know the good Lord will help me. whatever, whenever and however it may be.

a blessed night. :P

Tuesday, December 7, 2010

after the BITTER of AA

alas ocho na ng gabi. tapos na manuod ng AA (Artistang Artlets). inaasahan ni donna na hindi na niya makikita ang crush niyang lubos na sinaktan ang kanyang kalooban. ang crush niyang tila sinira ang kanyang pangarap na magkaroon ng mainit na pasko. ang crush niyang tila nag Ph.D. sa TORPEology.

ngunit, sa mga panahon ganito, kadalasan tayo ay nabibigo. habang naglalakad patungo sa CR, tila tadhana ang nagdala sakanya upang lumingon sa kanyang likod.

"Sh*t!" sabi ni donna.

kaagad naman siyang tinanung ni danna, ang kanyang matalik na kaibigan.

"wag kana lang lilingon. andyan na cia!" sambit ni donna sa kaibigan.

"pag-ibig nga naman, kulay pa lang ng damit alam na agad kung siya ang sinisinta." gatong ni danna.

Monday, December 6, 2010

STRIKE 3 :P

minsan kahit importante sayo ang isang tao, kahit sobrang gusto mona siya, hindi mo maiwasang magtampo dahil may mali siyang ginawa. hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa.

hindi kona alam kung dapat pang paniwalaan ang mga sasabihin ng isang taong tatlong beses na kong PINAASA. kung tama ang term na ginamit ko, oo PINAASA.

strike 1. pangakong hindi na magyoyosi.
isang araw, habang naglalakad papuntang school, nahuli. hindi tuloy siya mapakali. kitang kitang nagyoyosi siya.

strike 2. lunch daw.

tara kain tayo sa school. okay naman ako. pagdating ko nga lang sa school nalimutan na niya, nagdota na pala. sa iba kopa nalaman. buti na lang may nahagilap akong kasamang maglunch.

strike 3. HP7.

wawa ka naman. ako na lang sasama sayo manuod ng HP7. ako naman na-excite akala ko kasi totoong sasamahan niya ko. dumating ang Sunday, buong araw akong naghintay at hindi ako umuwi ng Bataan sa pag-aakalang sasamahan niya ako. ending? "nawala sa isip ko." (OUCH!!!) 2 days din akong nag-iiyak at nagmukhang tanga :P

mali bang maniwala? bigyan siya ng chance at maniwala ulit? bakit kaya merong mga taong sadyang madaling makalimot? yung iba naman napakatagal makalimot? ang gulo. iba-iba talaga ang tao. may normal at abnormal.


Saturday, December 4, 2010

SMP fever kabilang ako?

parang lahat ng kaibigan ko magiging masaya ang pasko at hindi magiging member ng Samahan ng Malalamig ang Pasko (SMP). ako? maiiwang ganun, forever? ang nega ko naman.

depressed na talaga ko sa mga bagay bagay.

kung hindi maiiwan, gagamitin, o kaya naman hindi mapapansin.

Halos Pangako lang, walang gawa. (HP7 is fail)

akala mo ang saya-saya na. ang daming plano. ang daming pangako. yun pala, lahat ng 'yon ipapako lang.

hindi mona alam kung hanggang kelan mo to gagawin. ang umasa sa mga pangakong ilang beses na niyang kinalimutan. mga planong ilang beses na niyang tinalikuran.

bakit ka ba kasi nagpapaniwala sa puro salita lang? bakit ka ba kasi nagpapadala sa mga messages na hindi mo naman alam kung totoo at mula sa puso?

ngayon umiiyak ka? kasi nagpaloko ka nanaman. nagpadala sa mga salitang tila ang sarap basahin pero hindi naman makayanang isabuhay.

(hay, nagpaloko nanaman ako. umasa nanaman ako. simpleng bagay lang naman eh, bakit ba hindi maisakatotohanan. pagod na ko. ang dami ng chances na laging pinalampas.)