Sunday, August 29, 2010

hindi kona kaya

kahapon, sumali ako sa isang patimpalak. naging masaya ako habang nakikilahok, rumampa, nagsuot ng sapatos na may mataas na takong, nagsuot ng kung anu-anong damit na hindi ko naman talaga hilig suotin, kumanta ng hindi kagandahan, at sumagot sa tanong ng hindi maayos at sa tingin ko'y walang kwenta (yuck).

Pero nakakagulat, at nakamit ko ang pangalawa sa pinakamataas na parangal. ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya at kung dapat ko bang ipagmalaki ang natanggap kong karangalan. inaamin ko sa sarili ko, iba ang gusto kong manalo, iba ang gusto kong nasa lugar ko dahil sa tingin ko siya ang dapat, siya ang may maayos at magandang sagot sa tanong na nabunot niya.

hindi ko alam, dahil sa patimpalak na ito, bakit tila nag-iba ang mga tao sakin? hindi ko naman po ginusto ang nakamit ko. simula pa lamang alam niyo na ako'y nakilahok upang makisaya at hindi para manalo.

hay, yung totoo lang ang bigat ng loob ko. yung totoo lang pinipilit kong maging malakas. yung totoo lang naman PARA SA LAHAT ANG NAKAMIT KO.

pasensya kana blogspot. ikaw na lang talaga ang pag-asa ko. ikaw na lang talaga ang tanging mapagsasabihan ko ng nararamdaman ko. ikaw na lang talaga, sa panahong ito, wala ng iba. ayoko kasi na makita at malaman nila, ayoko kasi na malaman nilang nasasaktan ako, ayoko kasi na malaman nilang marunong din akong malungkot. marunong din akong umiyak :'(

That, I do not know

  1. i really don’t know how to react, maybe, just maybe, you’re really not in the mood to talk.

    but please, do not blame me, ‘cause i don’t have anything to do with whatever problem you have right know.

    not that i’m not willing to help, but it seems like you do not want me to help you.

    i just don’t know what to say. i just don’t know whom to talk to.

    i opened my account to post a happy thought, then, there you are, talking about something which i tried to understand.

    sorry if i said something bad, i there’s any, sorry, if i, too, was not in the mood to talk ‘cause you know me, i just don’t want small things to ruin my day.

    ———-

    after this, it’s over. i’ll just sleep, and forget everything. i guess this is what we call love, not for a special someone, but for a friend. you may become disappointed but in the end, you’ll still hug your friend and smile again

    ———-

    yes, sobrang oa lang! nawala lang sa mood, kasi ang saya ko dahil hindi dumugo ang daliri ko sa paa at kamay at may free massage pa, tas biglang ako ang paglalabasan ng sama ng loob, ayoko namang makipag-away, kaya dito ko na lang nilabas. God Bless!


ayoko...

ang ayoko lang yung ako ang napagbabalingan ng inis, galit o kung ano mang negative na pakiramdam ng isang tao, lalung-lalo na kung wala naman akong ginawa at wala naman akong kinalaman sa kinaiinis niya. ayoko ng ako ang pag-iinitan dahil ako naman handa lang makinig! HAY!

ang oras ay bitin

ang dami kong gagawin
hindi ko lam saan titingin

bakit ako'y humihiling
na ang bukas at di na dumating

ang hirap pala
wala kang magawa

sayang ang oras
walang maipamalas

ano ang gagawin?
ang oras ay bitin

magbalik...

nawala man ako sa pagsusulat
ngayon ako'y nagbabalik

sinisikap na maging magaling
para ako'y makapagmalaki

hindi makapagmayabang
kundi makapagpahayag

ito ang aking hiling
Oh Ama, nawa'y iyong dinggin :P

sawi...

minsan kelangan mong masawi

para matuto ka sa huli

pwede kang magsisi

pero wag kang magkukubli

dahil lahat ay maari

kung ang takot ay mapapawi :P