Sunday, August 29, 2010

hindi kona kaya

kahapon, sumali ako sa isang patimpalak. naging masaya ako habang nakikilahok, rumampa, nagsuot ng sapatos na may mataas na takong, nagsuot ng kung anu-anong damit na hindi ko naman talaga hilig suotin, kumanta ng hindi kagandahan, at sumagot sa tanong ng hindi maayos at sa tingin ko'y walang kwenta (yuck).

Pero nakakagulat, at nakamit ko ang pangalawa sa pinakamataas na parangal. ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya at kung dapat ko bang ipagmalaki ang natanggap kong karangalan. inaamin ko sa sarili ko, iba ang gusto kong manalo, iba ang gusto kong nasa lugar ko dahil sa tingin ko siya ang dapat, siya ang may maayos at magandang sagot sa tanong na nabunot niya.

hindi ko alam, dahil sa patimpalak na ito, bakit tila nag-iba ang mga tao sakin? hindi ko naman po ginusto ang nakamit ko. simula pa lamang alam niyo na ako'y nakilahok upang makisaya at hindi para manalo.

hay, yung totoo lang ang bigat ng loob ko. yung totoo lang pinipilit kong maging malakas. yung totoo lang naman PARA SA LAHAT ANG NAKAMIT KO.

pasensya kana blogspot. ikaw na lang talaga ang pag-asa ko. ikaw na lang talaga ang tanging mapagsasabihan ko ng nararamdaman ko. ikaw na lang talaga, sa panahong ito, wala ng iba. ayoko kasi na makita at malaman nila, ayoko kasi na malaman nilang nasasaktan ako, ayoko kasi na malaman nilang marunong din akong malungkot. marunong din akong umiyak :'(

No comments: