Friday, September 17, 2010

like sa facebook...

Ang simpleng pag-like ng post sa facebook, maaring magkapagpasaya ng araw ng isang tao.

Nito lamang, nag-post ang dati kong minamahal (hanggang ngayon, mahal ko pa). Sabi niya namimiss na niya ang pinsan niya. Sa hindi malamang dahilan, ni-like ko ang post niya. Dito magsisimula ang kwento.

Konting kwentuhan, konting asaran. Ayun, ligaya ko'y hindi mapantayan. Ang hiling ko noon, sana hindi na matapos ang oras, sana hindi na kailangang ipagpalipas. Kaso, kelangan, kelangang magpaalam.

Kinabukasan ng kaarawan niya, hinintay ko bago ang saktong oras. Hindi ko alam kung anong pagbati ang dapat, kaya ayun, nauwi ako sa simpleng "HAPPY BIRTHDAY" lang. Hinintay ko agad ang sagot niya, akala ko naman magiging espesyal. Nabigo ako, dahil ang sagot niya "Thank you, Kat" lang. Ayus lang, wala naman talaga dapat akong asahan. Sino nga ba ako? Kaibigan lang naman.

Sa wall niya nag-post ako, sabi ko Happy birthday ulit. Kinabukasan nakita ko, sabi niya, Thank you ulit. Pero natuwa ako, ngayon naman may "mua." Ang OA ko, doon lang abot langit na ang tuwa ko. Maya-maya nagpost ako sa wall ko. Nagulat ako, siya din nagpost sa wall ko. Akala ko kung ano, akala ko magpapasalamat lang. Natawa ako, natawa ako ng sobra.

Hindi ko alam, bakit ako natawa. Natawa siguro ko, feeling ko lang kasi nagselos siya. FEELING KO LANG. Ganun pa man, natawa talaga ako! Dito nagsimula ang sunod na kabanata.

Sabi niya sino yun? Sabi ko, major ko yun. Sabi niya hindi ko daw siya binati sa wall niya, sabi ko meron na! Sabi niya isa pa daw dahil hindi niya nakita, sabi ko sige na nga!

Ayun na nga, ako pasimple pa! Siguro pambawi sa dating hindi ko pagbati ng kasing sweet ng ngayon. Pero, hindi naman talaga kasing sweet yung ngayon. Gusto ko man, nahihiya ako. Alam ko kasi, busted na ako :P

Nagbiro ako. Sabi ko, "pakain ka naman." Natuwa ako, sabi niya, "tara, karate kid, potato balls." Abot langit nanaman ang aking nadamang kasiyahan. Hindi ko naman kasi iyon inaasahan. Ako naman, nagpakipot pa, kaya iyon, hindi ko alam kung matutuloy ba. Hanggang dumating na ang oras, ang aking kinatatakutan, kelangan niya ng lumisan, gumawa ng dapat. (sad)

Sana naman Bro, dinggin mo ang aking panalangin. Sana naman Bro, kanyang totohanin :P

GOODNIGHT :P


No comments: