Thursday, December 30, 2010

12/29/10 our last day together this year

ang plano:

1. kukunin niya ang planner ko sa dealer niyang friend
2. ihahatid ko si laine sa cubao
3. saka kami magkikita

ang nangyare:

1. kinuha niya ang planner
2. hinatid NAMIN si laine sa cubao
3. mas maaga kaming magkita. hoho
4. kumain kami sa MCDO :P

ngayong araw ang pinakasweet na araw so far. halos limang oras kaming magkausap at magkayakap. hindi ko alam pero wala nanaman akong nagawa nung niyakap niya ko. ni hindi ako nakapalag. ni hindi nga sumagi sa isip kong pumalag.

utang na loob ko sa kanya ang napakaganda at nakakalibang kong planner. siya ang taga tanong ko sa fb kung ano kung magkano, kung pano magoorder, kung ilang araw, atbp. siya pa ang kumuha nun sa SM Megamall at naghatid sa bahay namin. siya ata may-ari nung planner ko for 2011. haha. sobrang na-appreciate ko siya today.

mahal ko si lalaine at alam kong mahal din niya ako. akala ko talaga kami lang ni miko ang magkikita kahapon para sa appointment namin sa Department of Environmental Services head. pero dahil napakabuti ni Lord at ng kaibigan kong si Lalaine, umuwe siya mula Bicol hanggang Manila. tiniis niya ang almost 10hours na biyahe matulungan niya lang kami ni miko. napakadedicated niya talaga sobra. haha. kaya naman samin kona siya pinatulog. another bonding with my sister and her. para ngang sila ang magkapatid eh. haha. tapos pagkagising namin kwentuhan agad kami. ang dami naming pinag-usapang nakakabaliw. mga tipong saming dalawa lang talaga namin nasasabi. nakakatawang bagay na nakakagulat. hahaha. at dahil mahal ko nga siya, sinamahan namin siya ni kuya felix umuwe sa Miguelin. hinintay siyang maligo at mag-ayos. sinamahan siya papuntang Cubao at hanapin ang nakakasira ng ulong Superlines, bus company papuntang Bicol. noon ko lang nalamang napakahirap pala ng biyahe ni laine. ang daming tao, lahat nagbabakasakaling makakasakay at makakauwe. lahat umaasang makakasama nila ang pamilya nila kahit mas matagal pa ata ang oras ng biyahe nila paparoon kesa sa oras na magkakasama sila. first time ko ding makakita at makapasok sa bus na dati'y ikinukwento lang sakin ni Laine. yung bus na may comfort room at seat reservation. yung bus na naihihiga para mas maging kumportable ang pasahero sa halos sampung oras niyang biyahe. nakakatwa. haha.

pauwe kami at sumakay ng cab. this time, hindi na kami magkalayo sa upuan. haha, nakakatawa. magkalapit na kami at magkahawak ng kamay. buong biyahe ata yun. buong biyaheng nagkukulitan at nag-aasaran. nakakahiya na nga kay manong driver. haha. hindi kona nga namalayang nandun na pala kami. feeling ko ang bilis ng biyahe, kahit ang bill namin eh umabot ng 150php. ba't kaya? hahaha

kumain kami sa Mcdo. minsan may nagsabi sakin na hindi daw magkakatuluyan ang mga couple na kumain sa Mcdo dahil sa isang commercial kaya naman ayaw ko sanang doon kami kumain. pero dahil no choice at sobrang gutom na ko eh yun lang naman ang tanging kainan na alam kong malapit at madadaanan namin. kaya dun na lang kami kumain. haha. bago pa kami makapili ng kakainin, sobrang nagkulitan muna kami. ang kulit ko naman kasi. siguro dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ko. nakakainis. nakakahiya. pero masaya ata? palagay ko naman napasaya ko siya kasi sa sobrang kabangagan ko hindi kami halos tumigil kakatawa. haha. at, eto ang araw na nakakain ulit ako ng chicken. napakastrict naman kasi niya, pero dahil sa sobrang baet niya padin, pinayagan niya padin akong magchicken dahil alam niyang mamatay na ko sa gutom na tipong baka kumain na ko ng tao. hahaha. yung fries naman na sabay pa kaming kumukuha at kumakain eh parang 48 years pa namin mauubos, at dahil hindi kona kaya dahil hindi masarap ang fries na yun, inutos, este, pinakiusap kong siya na ang umubos dahil sayang at ginawa naman niya. hahaha ang dami konang kasalanan sakanya hahaha. after ng lahat, umalis na kami dahil hindi na namin kinakaya ang sobrang lamig na atmosphere sa loob ng Mcdo, lumabas na kami. pero mali pala ginawa namin. mas malamig naman kasi ng di hamak sa labas. dinaig pa ang aircon sa full blast sa lakas. habang naglalakad at tumatawid sa kalsada, tawang tawa siya sakin dahil palagi na lang daw akong sumisigaw kapag tumatawid. haha

sa cityland kami tumambay. pagkahatid niya sakin sa unit, naalala naming kelngan naming magpaload. kaya bumaba ulit kami at nagpaload. after magpaload, sabi niya ayaw niya pang umuwe kaya umupo muna daw kami sa may cityland. akala ko sandali lang kami uupo, lumipas ang isa, dalawa, tatlo, hanggang limang oras na pala kaming magkasama. ganun padin, nagkulitan lang. kung anu-anong pinag-usapan. pero ito pinakamadaming beses niya kong niyakap. hahaha

eto ang last day naming magkasama sa taong 2010. ewan ko kung anong mangyayare after ng araw na ito. God bless :P

happy new year :P 2010 to 2011 :P

12/17/10


my dear friends :P

from a rose filled with love

i cannot surf the net because we're living in a not-so-good-place. hoho no landline, no internet connection, no signal and yes, somewhat, no life.

i decided to go out and find a place where i can do our thesis. a place where no one can disturb me. a place where no one will force me to stop whatever i am doing just to eat. a place like a coffee shop, i think? hoho

then i saw this guy with a wonderful rose. a rose filled with love, i suppose. a white rose dyed with pink. he asked the shop's barista to keep the rose for i while. i wonder why?

few minutes after, a girl came. the guy embraced the girl like they've never seen each other for so long. (and i find that sweet :P )

now, i'm sitting adjacent to the couple. looking at them and happy.i really don't know why i am feeling this for them? haha! funny!

wait, their sweet story is not yet done. from a rose filled with love to a bouquet with three tulips with almost the same color as the rose.

probably it's really their special day today. their monthsary or anniversary? i don't know. i don't care. all i care is that the couple, i wish, should enjoy and treasure love, forever and always. hoho (feeler)

Wednesday, December 22, 2010

1st date daw?

1. 1pm meet up :P akala ko naman makakalimutan niya. pero i must admit natuwa ako't sa unang pagkakataon eh hindi niya isinang tabi ang sinabi niya.

2. binisita ang classmate niya at ang nanay ko sa Polis, ang official publication ng The Political Science Forum, na si Ate Aubrey sa ospital para kamustahin ang papa niya. ang sarap ng kwentuhan at ang dami talagang nalalaman. nakakataba din ng puso na naappreciate ka ng isang taong pinapahalagahan mo. binilhan namin, este niya lang pala, ng pagkain si Ate Aubrey sa Chowking at hinintay siyang matapos kumain.

3. nagpunta sa Trinoma. nagmrt muna syempre. hoho. tapos ayun naghanap ng makakainan napunta sa Chef 'd Angelo, ang piborito kong kainan. kahit bawala ang manok sakin pinayagan niya padin akong kumain nun. yehey! at ang bagal kong kumain kaya naman nakakahiya ng sagad sakanya.

4. kapag nasa escalator kami, nasa likod ko siya palagi pag pataas at nasa harap naman kapag pababa para magmukhang mas matangkad ako.

5. bumili ng ticket para sa HP7, kahit napanuod na niya, pinili niya pading manuod nun kasi alam niyang gustong gusto ko yun. yey. (7pm)

6. habang naghihintay sa 7pm na HP7, nagkape kami sa starbucks para madagdagan ang stickers ng planner ni Ate Kc. ang dami kong kwento, nakakahiya ang kadaldalan ko.

7. nanuod na ng HP7. may isang part na napasigaw ako sa gulat at tinawanan niya ako at tinawanan ko din naman ang sarili ko. hoho. nakakatawa talaga. pinahiram niya jacket niya pero nung nakita kong nilalamig na din siya pinilit ko siyang kunin na. haha.

8. hinatid niya ako sa bahay at nagpakita sa masungit kong ate. bow.
eto na ata ang pinakamasayang araw naming dalawa. char. first date nga eh.


Sunday, December 19, 2010

my girls


Peng. Ap. Laine. Me

they're my girls. my lovable friends. my comforter. my oh so good friends. i'll miss them this christmas break.

they're my friends, for life.

Thursday, December 16, 2010

gusto ko ng katahimikan.

kakauwe lang ng bahay galing sa napakasayang practice ng paskuhan. hindi pa man ako nakakapasok sa pintuan ng aming unit, narinig kona agad ang boses ng aking kasama sa bahay. nakakagulat. hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na madami kami't magkakasama o ikalulungkot dahil sa kadamihan namin ay sobrang ingay naman. ultimo maliliit na bagay kelangan pag-awayan at magkalapit lang naman kelangan pang magsigawan. nakakapanghina. gusto ko ng katahimikan. kahit ngayon lang.

Wednesday, December 15, 2010

ang puso

ang puso kapag nasasaktan parang pinipiga at parang dinudurog. ang tao kpag nakaramdam ng sakit nanghihina, nagiging matapang, at nagiging tanga.

hindi ko maipaliwanag bakit kapag nasasaktan ako may kakaiba akong nararamdaman sa bandang puso ko. sabi ng prof ko wala daw konek ang puso sa damdamin pero bakit ganon? iba yung nararamdaman ko. hindi ko alam kung dala ng sakit ko yun o ano pero iba ang nadadama ko.

parang pinipiga. parang may kirot na pagkasakit sakit habang tumatagal. hindi ko alam. masakit lang talaga.

ganito ang araw na imba.

ang araw na ‘to imba. maagang nasigawan at napagalitan. maagang nagdrama at nalunod sa luha. tinanghali ng layas sa bahay at muling nasermonan. pagdating sa school naging utusan. naglakad mag-isa tas nakahanap ng kasama. nakita ang crush at nagsisigaw sa ligaya na para bang wala ng bukas at mahimatay-himatay pa. ginustong magsimba pero hindi nagawa. nakaka-wala ng gana’t walang kwenta. ang ingay ng mga tao, hindi marinig ang misa. sana sumama na lang akong kumain sa mga kaibigan kong masarap kasama. buti na lang sinamahan akong uminom ng kapwa ko polsci. bago umuwe, nakakita ako ng matinong kasama. nabili ko naman ang mga dapat. hay salamat! pero wala parin akong gana! pasensya na. puno na talaga :P

Tuesday, December 14, 2010

belle de jour or not?

hmmm, girls are screaming for this belle de jour planner. this actually made me think of not to have this planner for the coming year. i don’t think i’d be happy with the same planner as other girls would have. now, imma search for a new planner! hohohohoho got the same problem as before, where the hell can i find one! ehfin’

arte ko naman kasi.

imperfect


"you don't have to be perfect to make me happy..."

this's exactly what i want people to realize. that i will accept them though they're imperfect. that i will love them whoever they are. that they can make me happy with just one hug and make me smile by simply saying the sweetest words.

i, myself, am not perfect. i, myself, cannot do everything so i try to express my love by simply doing what i can do for those people i love. i guess what's important is that you try to make them happy and feel loved.

Tagaytay is still a dream :'(

today's supposed to be our Christmas party in Tagaytay. however, i wasn't able to come. why? because i forgot to set the alarm and i woke up late. darn it.

it's what i call being irresponsible. i am never responsible with appointments. i am never responsible for my wrong deeds. now, i keep on thinking what my classmates are doing there. it makes me kindda sad yet i think it's what our good Lord would want me to do. to just sleep and take some rest.

a blessed day everyone :P

Monday, December 13, 2010

never will i dream again

by Kat Ongoco

the air's colder than ice
the rain can't stop from falling
i wonder what to do
to see my star in the sky
i wonder if i should just sleep
and never will i dream again.

Sunday, December 12, 2010

APRIL FLOR, my almost everything :P


She's my "Nay April". She's my go-home buddy. She's my comfort zone. She's my make-up artist. She's my sister sometimes. She's my friend. In other words, She's almost my everything. (she's not my girlfriend kaya ALMOST :P )

I received a message from her saying sorry 'cause she'll be joining my class' Christmas party in Tagaytay. hohohoho

i was surprised. i told her that it's totally okay to do so. hohohohoho not because i won't come because i have this fuckin' rehearsal she should do the same and think of what i would feel in case she'll do so.

then i realized how much she value me as a friend, as a daughter (hoho), as a sister, as her almost everything.

*lagi mo na lang akong iniisip. isipin mo naman sarili mo 'nay. love kita! mwuah! enjoy, ang tanging hiling ko lamang ngayong pasko sa pagbalik mo dito sa Maynila ay PASALUBONGGGGSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS. note: with SSSSSSSSSSS yung pasalubong hohohohohohoho

*iloveyoueverydayAPRILFLOR.

Saturday, December 11, 2010

First Dinner :P

Saturday. December 10, 2010. Ust-Mang Ed's (Asturias)

hindi ko alam gagawin ko nung niyaya niya kong kumain ngayong araw. ayoko namang tumanggi kasi gusto ko naman din. landi.

hindi ko lang alam kung anong isusulat ko. ang alam ko lang natuwa ako na niyaya niya kong kumain sa unang pagkakataon, este unang pagkakataong tinupad niyang kakain kami.

sinundo niya ko sa grandstand. naglakad. nag-usap paunti-unti at hinintay akong makapagpalit ng damit.

naghanap kami ng makakainan sa Asturias, sarado ung Chew York kaya sa Mang Ed's na lang. ayun, kwentuhan. buti na lang hindi kami masyadong nagkahiyaan. masaya naman. masya talaga siyang kausap. bow.

hinatid niya ko sa field kasi hinihintay pala ako nila Ap and Laine doon. hindi ko agad kasi nakita ang message nila na pupuntahan nila ako. miss kona silang dalawa sobra. ayun, hanggang sa maihatid niya ko, nagkwekwentuhan padin kami.

sana lang hindi ako nonsense kanina. may mga oras na parang nababaluktot yung dila ko kasi ramdam kong nonsense ako. hohohoho

God Bless.

Apple Tart and Buko Pie

Friday. December 9, 2010. Ust-Grandstand

sinong mag-aakalang hindi pala siya kumuha ng Ph. D. sa Torpeology?

kung kelan ko naman hindi pinaniwalaan ang mga sinabi niya saka naman natupad. akala ko naman biro lang. akala ko isang paasa nanaman. ang bitter ko naman talaga. pero nakakagulat, this time totoo na pala. siguro talagang mas magandang hindi ka masyadong umaasa sa isang pangako. hayaan na lang na matupad at gawan ng paraan.

ngayong araw, hinintay niyang matapos ang napakatagal kong rehearsals para sa paskuhan sa kabila ng pagod galing retreat. hinatid niya kami ni Marvi sa sakayan pauwe at saka ibinigay sakin ang pasalubong niya.

natouch ako. ayokong maging plastic. kinilig ako. bow.

Thursday, December 9, 2010

i came to dance dance dance

ever since i learned to do some moves i fell in love with dancing.

whenever i hear the beat of a song, whenever i see people in the streets dancing with grace, whenever i try to groove i become my real self.

i just can't explain how different i am when i dance. i like it when i do it sexy, i love it when i do it with a blast.

only few people are aware that i have this passion for dancing. most people find it surprising if they happen to see me dance for the very first time. well, maybe because i do not really let them know about it- my love for it.

well at least know i'm doing it again. after years of break from this passion. after years of waiting for this kind of break. yes i know i have to manage my time and weigh my priorities well.

studies or rehearsals? i really need to be strong with this. majors or rehearsals? bonus points for perfect attendance or get a zero?

anyway, no matter it is, i know the good Lord will help me. whatever, whenever and however it may be.

a blessed night. :P

Tuesday, December 7, 2010

after the BITTER of AA

alas ocho na ng gabi. tapos na manuod ng AA (Artistang Artlets). inaasahan ni donna na hindi na niya makikita ang crush niyang lubos na sinaktan ang kanyang kalooban. ang crush niyang tila sinira ang kanyang pangarap na magkaroon ng mainit na pasko. ang crush niyang tila nag Ph.D. sa TORPEology.

ngunit, sa mga panahon ganito, kadalasan tayo ay nabibigo. habang naglalakad patungo sa CR, tila tadhana ang nagdala sakanya upang lumingon sa kanyang likod.

"Sh*t!" sabi ni donna.

kaagad naman siyang tinanung ni danna, ang kanyang matalik na kaibigan.

"wag kana lang lilingon. andyan na cia!" sambit ni donna sa kaibigan.

"pag-ibig nga naman, kulay pa lang ng damit alam na agad kung siya ang sinisinta." gatong ni danna.

Monday, December 6, 2010

STRIKE 3 :P

minsan kahit importante sayo ang isang tao, kahit sobrang gusto mona siya, hindi mo maiwasang magtampo dahil may mali siyang ginawa. hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa.

hindi kona alam kung dapat pang paniwalaan ang mga sasabihin ng isang taong tatlong beses na kong PINAASA. kung tama ang term na ginamit ko, oo PINAASA.

strike 1. pangakong hindi na magyoyosi.
isang araw, habang naglalakad papuntang school, nahuli. hindi tuloy siya mapakali. kitang kitang nagyoyosi siya.

strike 2. lunch daw.

tara kain tayo sa school. okay naman ako. pagdating ko nga lang sa school nalimutan na niya, nagdota na pala. sa iba kopa nalaman. buti na lang may nahagilap akong kasamang maglunch.

strike 3. HP7.

wawa ka naman. ako na lang sasama sayo manuod ng HP7. ako naman na-excite akala ko kasi totoong sasamahan niya ko. dumating ang Sunday, buong araw akong naghintay at hindi ako umuwi ng Bataan sa pag-aakalang sasamahan niya ako. ending? "nawala sa isip ko." (OUCH!!!) 2 days din akong nag-iiyak at nagmukhang tanga :P

mali bang maniwala? bigyan siya ng chance at maniwala ulit? bakit kaya merong mga taong sadyang madaling makalimot? yung iba naman napakatagal makalimot? ang gulo. iba-iba talaga ang tao. may normal at abnormal.


Saturday, December 4, 2010

SMP fever kabilang ako?

parang lahat ng kaibigan ko magiging masaya ang pasko at hindi magiging member ng Samahan ng Malalamig ang Pasko (SMP). ako? maiiwang ganun, forever? ang nega ko naman.

depressed na talaga ko sa mga bagay bagay.

kung hindi maiiwan, gagamitin, o kaya naman hindi mapapansin.

Halos Pangako lang, walang gawa. (HP7 is fail)

akala mo ang saya-saya na. ang daming plano. ang daming pangako. yun pala, lahat ng 'yon ipapako lang.

hindi mona alam kung hanggang kelan mo to gagawin. ang umasa sa mga pangakong ilang beses na niyang kinalimutan. mga planong ilang beses na niyang tinalikuran.

bakit ka ba kasi nagpapaniwala sa puro salita lang? bakit ka ba kasi nagpapadala sa mga messages na hindi mo naman alam kung totoo at mula sa puso?

ngayon umiiyak ka? kasi nagpaloko ka nanaman. nagpadala sa mga salitang tila ang sarap basahin pero hindi naman makayanang isabuhay.

(hay, nagpaloko nanaman ako. umasa nanaman ako. simpleng bagay lang naman eh, bakit ba hindi maisakatotohanan. pagod na ko. ang dami ng chances na laging pinalampas.)