Thursday, December 30, 2010

12/29/10 our last day together this year

ang plano:

1. kukunin niya ang planner ko sa dealer niyang friend
2. ihahatid ko si laine sa cubao
3. saka kami magkikita

ang nangyare:

1. kinuha niya ang planner
2. hinatid NAMIN si laine sa cubao
3. mas maaga kaming magkita. hoho
4. kumain kami sa MCDO :P

ngayong araw ang pinakasweet na araw so far. halos limang oras kaming magkausap at magkayakap. hindi ko alam pero wala nanaman akong nagawa nung niyakap niya ko. ni hindi ako nakapalag. ni hindi nga sumagi sa isip kong pumalag.

utang na loob ko sa kanya ang napakaganda at nakakalibang kong planner. siya ang taga tanong ko sa fb kung ano kung magkano, kung pano magoorder, kung ilang araw, atbp. siya pa ang kumuha nun sa SM Megamall at naghatid sa bahay namin. siya ata may-ari nung planner ko for 2011. haha. sobrang na-appreciate ko siya today.

mahal ko si lalaine at alam kong mahal din niya ako. akala ko talaga kami lang ni miko ang magkikita kahapon para sa appointment namin sa Department of Environmental Services head. pero dahil napakabuti ni Lord at ng kaibigan kong si Lalaine, umuwe siya mula Bicol hanggang Manila. tiniis niya ang almost 10hours na biyahe matulungan niya lang kami ni miko. napakadedicated niya talaga sobra. haha. kaya naman samin kona siya pinatulog. another bonding with my sister and her. para ngang sila ang magkapatid eh. haha. tapos pagkagising namin kwentuhan agad kami. ang dami naming pinag-usapang nakakabaliw. mga tipong saming dalawa lang talaga namin nasasabi. nakakatawang bagay na nakakagulat. hahaha. at dahil mahal ko nga siya, sinamahan namin siya ni kuya felix umuwe sa Miguelin. hinintay siyang maligo at mag-ayos. sinamahan siya papuntang Cubao at hanapin ang nakakasira ng ulong Superlines, bus company papuntang Bicol. noon ko lang nalamang napakahirap pala ng biyahe ni laine. ang daming tao, lahat nagbabakasakaling makakasakay at makakauwe. lahat umaasang makakasama nila ang pamilya nila kahit mas matagal pa ata ang oras ng biyahe nila paparoon kesa sa oras na magkakasama sila. first time ko ding makakita at makapasok sa bus na dati'y ikinukwento lang sakin ni Laine. yung bus na may comfort room at seat reservation. yung bus na naihihiga para mas maging kumportable ang pasahero sa halos sampung oras niyang biyahe. nakakatwa. haha.

pauwe kami at sumakay ng cab. this time, hindi na kami magkalayo sa upuan. haha, nakakatawa. magkalapit na kami at magkahawak ng kamay. buong biyahe ata yun. buong biyaheng nagkukulitan at nag-aasaran. nakakahiya na nga kay manong driver. haha. hindi kona nga namalayang nandun na pala kami. feeling ko ang bilis ng biyahe, kahit ang bill namin eh umabot ng 150php. ba't kaya? hahaha

kumain kami sa Mcdo. minsan may nagsabi sakin na hindi daw magkakatuluyan ang mga couple na kumain sa Mcdo dahil sa isang commercial kaya naman ayaw ko sanang doon kami kumain. pero dahil no choice at sobrang gutom na ko eh yun lang naman ang tanging kainan na alam kong malapit at madadaanan namin. kaya dun na lang kami kumain. haha. bago pa kami makapili ng kakainin, sobrang nagkulitan muna kami. ang kulit ko naman kasi. siguro dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ko. nakakainis. nakakahiya. pero masaya ata? palagay ko naman napasaya ko siya kasi sa sobrang kabangagan ko hindi kami halos tumigil kakatawa. haha. at, eto ang araw na nakakain ulit ako ng chicken. napakastrict naman kasi niya, pero dahil sa sobrang baet niya padin, pinayagan niya padin akong magchicken dahil alam niyang mamatay na ko sa gutom na tipong baka kumain na ko ng tao. hahaha. yung fries naman na sabay pa kaming kumukuha at kumakain eh parang 48 years pa namin mauubos, at dahil hindi kona kaya dahil hindi masarap ang fries na yun, inutos, este, pinakiusap kong siya na ang umubos dahil sayang at ginawa naman niya. hahaha ang dami konang kasalanan sakanya hahaha. after ng lahat, umalis na kami dahil hindi na namin kinakaya ang sobrang lamig na atmosphere sa loob ng Mcdo, lumabas na kami. pero mali pala ginawa namin. mas malamig naman kasi ng di hamak sa labas. dinaig pa ang aircon sa full blast sa lakas. habang naglalakad at tumatawid sa kalsada, tawang tawa siya sakin dahil palagi na lang daw akong sumisigaw kapag tumatawid. haha

sa cityland kami tumambay. pagkahatid niya sakin sa unit, naalala naming kelngan naming magpaload. kaya bumaba ulit kami at nagpaload. after magpaload, sabi niya ayaw niya pang umuwe kaya umupo muna daw kami sa may cityland. akala ko sandali lang kami uupo, lumipas ang isa, dalawa, tatlo, hanggang limang oras na pala kaming magkasama. ganun padin, nagkulitan lang. kung anu-anong pinag-usapan. pero ito pinakamadaming beses niya kong niyakap. hahaha

eto ang last day naming magkasama sa taong 2010. ewan ko kung anong mangyayare after ng araw na ito. God bless :P

No comments: