siguro hindi muna ako magtetext sakanya at hindi na rin muna sasama sakanya. una, hindi ako sumama sa videoke at simba ng bff ko last saturday dahil sumama ako saknya sa birthday celebration niya with his friends kahit ang intention naman niya ay ang ipakilala ako sa barkada niya, nagenjoy din naman ako dahil sobrang baet at saya nilang kasama. pangalawa, napapadalas akong napapaaga ng uwe or napapahiwalay or hindi nakakasama sa lunch dahil siguro mas nauuna kong makasama siya, which is i know, bad, choice ko, kaya magsisi to death ako. haha.
kaya ayun, siguro kelngan kong magtino. umiwas kahit isang linggo lang. walang text message at lunch, o kahit dinner. baka masanay nanaman, baka umasa nanaman, at baka masaktan nanaman.
sana makaya ko.
No comments:
Post a Comment