bahala na si batman kasi siguro nga ngayon masasabi kong inlabababo na naman ako. for the nth time! char! hahaha pang-lima palang naman. lang? ang dami na pala. at yes, pang-lima na, meaning apat na beses na pala akong nabigo sa pag-ibig :) shet.
March 29, 2011
kuhanan ng toga nila :) yey! grad na nila sa March 31, 2011 :)
susunduin nia ko or dadalawin or ihahatid, basta magulo ang dapat niang gagawin, pero naudlot kasi nabadtrip ako dahil sabi nia hindi na daw matutuloy kasi ang bagal ko kasi 1pm na nasa bahay pa ko. kakainis, ako pa sinisi?? hahaha
buti na lang dumating bigla yung daddy nia, wawa nga lang walang sumundo sa airport kasi hindi nila alam, akala nila hindi natuloy. naawa tuloy ako at nagreply na tuloy ako. hahaha pero, hindi naman dapat palang maawa kasi naman masaya syempreng nandun yung daddy nia sa grad nia. sabi kona nga ba eh, hindi papabayaan ni God na hindi makauwe si daddy nia. hahaha kahit walang wala na siyang pag-asa at kesyo sanay na daw siyang laging namomove yung uwe ni daddy nia.
sabi ko saknya umuwe na lang siya at wag na kong ihatid kasi hihintayin ko din sila ap at laine. ang kulet, ihahatid daw niya ko, edi nagpahatid na ko. hahaha kunyare pa kong ayaw ko eh gusto ko naman talaga.
segway lang, hindi ko ba alam bakit hindi ko magawang tiisin tong tao na 'to. kahit ilang beses nia kong awayin, sungitan, at kung anu-ano pa, palaging hindi ko siya natitiis, palaging matatawa na lang ako kapag tinitigan nia ko, palaging tatanggapin ko agad ang bawat sorry nia. hahaha pag-ibig, tae.
Last day na atang magkasama kami na fourth year pa siya at third year pa ko. last day na sasabayan niya kong umuwe galing sa school. last day na maeenjoy namin ang oras na walang kelangang gawing schoolworks o trabaho. last day na estudyante pa kaming dalawa.
last day sa A.Y. 2010-2011 na kakain kami ng betamax, isaw, roller coaster, iinum ng C2, at tatambay sa roof top ng condo namin. last day na yayakapin nia ko ng matagal, last day na ikikiss nia ko sa noo, sa pisngi, at kung saan-saan pa! oops wag malisyoso, hahaha! sa ilong kasi! hahaha charot! last day na maghihintay kami ng shooting star na wala naman kaming mapapala. last day na tatanungin ko siya kung mahal niya ko. last day na kukulitin ko siyang wag siyang mambababae kapag di nia ko kasama! hahaha last day ng mga kalokohan naming dalwa.
peroooo, last day ng A.Y., hindi ng kung anong meron kami. hahahahaha ayoko pa nuh! kung pwede nga lang hindi na magkaroon ng last day yung kung anong meron kami. hahaha ano nga bang meron kami? showbiz kasi! hahaha shhhhhh! natatawa ako.
most memorable conversation:
Kat: pano pag kunyare nagpakasal tayo, tas nagka-anak, tas namatay na ko, papakasal ka pa ulit?
Felix: hindi na, nakakatamad na yun!
Kat: ehhh, ayos lang sakin, di naman ako magagalit eh, magpakasal kana ulit!
Felix: eh ayoko nga, papakasal lang ako ulit kung sobrang kamuhkang kamukha mo!
Kat: si Lalaine!!!
Felix: yung sobrang kamuhka mo na parang pangalan na lang talaga yung iniba
Kat: ehh wala naman atang ganun eh
Felix: ikaw lang kasi ang gusto ko.
Kat: (kinilig na si ate mong gerl :P )
No comments:
Post a Comment