Friday, March 25, 2011

di ko man nasabi sayo, pero MAHAL NA MAHAL KITA!

tandang tanda ko pa yung mga araw na malapit lang ako sakanya. nung mga araw na lagi kaming nagtatalo sa pinakamaliliit na dahilan. nung mga araw na alam ko, sa sarili ko, na hindi ako mabuting tao. na hindi niya ako dapat mahalin at hindi na sana ako binuhay pa. yung mga araw na mahina pa ako. mga araw iiyak ako dahil sila, at hindi ako, ang kinakampihan mo.mga raw na ramdam kong nag-iisa ako.

siguro nga bata pa ako noon at medyo may edad na ko ngayon (haha). sugiro nga iba na ngayong malayo ka na sakin at hindi na tayo nagtatalo ng limang beses sa isang araw. siguro nga, ngayon nagsisisi na ako. nagsisisi na sana hindi kita nasaktan. na sana, nasabi ko sayo kung gano kita kamahal. nagsisisi na sana hindi nauna ang kaartehan ko sa tuwing pinapagalitan mo ako sa mga mali kong nagagawa. sana hindi ko naisip na mawala kana sa mundo.

pero, ngayon, alam kona kung ano ang mas mahalaga. hindi naman kelangang pagsisihan ang lahat ng nagawa kong katangahan. siguro mas dapat na suklian ko na lang ang lahat ng pagmamahal na binigay mo sakin simula nung unang araw na tiniis mo ang sakit ng aking paglabas sa bilog na mundong ito. mas tama lang na ipakita ko sayong mahal kita ng sobra. higit sa ibang taong alam mong nagmamahal sayo. mahal kita dahil walang kahit anong dahilan.

ikaw ang nagturo saking magmahal. ikaw ang naturo saking magdasal. ikaw ang nagturo saking magsalita, magsabi ng "po" at "opo." ikaw ang nagturo saking wag mambabastos ng matanda maging ng kapwa ko bata. ikaw ang nagturo sakin ng halos lahat ng nalalaman ko ngayon.

ang bigat sa pakiramdam na, di tulad ng ibang bata o ng iba kong mga kaibigan na nakakasama nila ang kanilang "mama" o "mommy" o kung ano pang tawag nila sa kanilang mga nanay, malayo tayo sa isa't isa. tanging text messages lang ang nagiging tulay sa tatlong oras ng agwat natin sa isa't isa. buti na lang, naimbento ang cellphone. iniisip ko ngayon, kung hindi ba ako lumayo at kung nanjan padin ba ako, magiging tulad padin ba tayo ng dati? mamimiss ba kita at malulungkot ba ako kapag di kita nakikita o nayayakap? iiyak din ba ako sa tuwing sinasabi mo sakin kung gano moko kamahal at kung gaano kaimportante bilang bunso mong anal. hindi ko alam.

siguro, salamat nadin at kinailangan kong lumayo at dito mag-aral. para naman sa inyo 'to ni papa. ngayon, natututo akong magmahal ng totoo. naramdaman ko ang pakiramdam ng malayo sa isang ina. nadama ko ang pagsisisi na sa labing anim na taong nabubuhay ako, hindi ko man lang sinabi sayo na MAHAL KITA HIGIT SA LAHAT! MAHAL KITA MAMA! MAHAL NA MAHAL KITA! hindi ko man lang nasabi sayo na SORRY, SORRY SA LAHAT NG SAKIT NA BINIGAY KO.

sana, kapag umuwe na ako, masaya na ang lahat ng araw. sana kapag nakita na ulit kita, unang sasabihn ko eh I LOVE YOU MAMA! na may kasamang yakap at halik na parang nung bata pa 'kong binibihisan mo at nilalagyan ng pulbo.

buti na lang hindi pa huli ang lahat. buti na lang maaga kong naisip na wala akong kwneta. buti na lang, may oras pa.

(para kay Lord: sna po makauwe na ko TT, sana po bantayan niyo palagi sina mama at papa, THANK YOU PO!)

No comments: