Wednesday, March 30, 2011

holding hands :)

siya yung tipo ng taong hinding hindi bibitawan ang kamay mo. kahit magalit ka pa, mas hihigpitan pa nga niya. kapag naman binitawanan niya, sisiguraduhin niang mahahawakan nia agad yung kamay mo. hahaha

i find it really sweet ( or landi ko lang talaga) na tuwing magkasama kami eh hahawakan niya ang kamay ko. siguro sa iba awkward yun kasi hindi pa naman kami (eh kaso nga malandi nga ang lola mo, haha) pero sa tuwing nag-iinisan kami at ittry kong kumawala sa mahigpit niyang hawak sa kamay ko natatawa ako kasi lagi akong talo. hindi ko maalis yung kamay ko pero minsan ayaw ko din naman talagang alisin.

wala lang, sobrang wala akong magawa habang naghahanap ng pwedeng pasukan para mag-OJT.

No comments: