April 1, 2011
Ang araw na 'to ay unexpected sa lahat. ang sakit sakit ng tyan ko kaya hindi ako maka-alis ng bahay agad para sa interview ko. binisita ako ng taong laging nagpapatawa sakin sa araw-araw na ginawa ng Diyos, malayo man siya o malapit. dinalhan niya ko ng Pringles na pula at Kisses na walang almonds (kasi alam niyang ayaw ko ng merong almonds). alam na niyang masama ang timpla ng tiyan ko kung anu-ano pa ang gusto niyang ipakain sakin. tae. hahaha. pero para daw ilabas kona lahat! hahaha (naawa na daw siya sakin)
pinagpahinga muna niya ako hanggang sa okay na ang tiyan ko, hanggang sa na-realize namin na hindi na rin pala kami abot sa league of provinces kasi maaga daw yun magsara. (sh*t) kaya sabi niya agahan na lang sa monday ang punta. kaya naisip na lang naming magsimba sa Nuestra Senora de Guia Shrine sa Ermita at mag-Holy Hour na din kasi first friday of the month.
madami kaming napag-usapan, madami nanaman akong kadramahan ngayong araw, madami din akong nalaman. hahaha. habang naglalaro ako ng sudoku sa cellphone nia sinabi ko na dapata isang milyon ang pictures naming maipon. natatawa siya, kala ata niya nagbibiro ako. hahaha vain kasi ako kaya malamang at sa oo, kung matitiis niya ng matagal ang ugali ko eh magawa namin yun.
hindi ko alam kung naiirita na siya sakin, sa kakulitan ko o sa ugali ko. sa bawat tanong ko kung mahal niya ba talaga ako at kung wala ba siyang iba o ano. ang nonsense lang talaga actually ng mga tanong ko. pero sana totoo lahat ng mga sinabi niya ngayong araw na 'to.
ngayon ang araw na mas naramdaman ko yung mga salitang "i love you." kahit napakalaki ng braso ko pati ng tiyan ko at napakasimple lang ng damit na suot ko idagdag mo pa ang napakagulo kong buhok eh gandang ganda siya sakin. para bang ginayuma ko siya kahit hindi naman talaga? hindi ko alam kung nanguuto lang yun o ano pero na-uto naman niya ako. karama niya na lang kung nanguuto talaga siya nuh!
sabi niya nga, hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng panahong ihatid ako after class, sunduin ako ng napaka-aga, puntahan ako after ng exams niya nung finals week nila, puntahan ako buong week ng finals week namin, puntahan ako the day after ng graduation nila at kung anu-ano pang sakripisyo kung hindi siya seryoso sakin db?
sa sobrang pasaway at kulit ko nga naman, siguro matagal na tong tumigil kung hindi siya seryoso. hahaha
anyway, masaya lang talaga ako ngayon dahil nakasama ko siyang magsimba sa NSDG. bonus pa nga na nakapag-Holy hour kami kasama si ate. hindi niya ko pinagtawanan kahit umiyak ako sa Holy hour, kasi bilin ko naman yun. at sobrang tahimik niya lang talaga kanina sa misa, parang ibang tao? hoho. ako pa ang napagalitan nung nasabi kong "sh*t" hahah sabi nia "baka nakakalimutan mong nasa simbahan ka?" yan ang pinakaseryosong masungit na sinabi niya sakin simula nung nagkakilala kami. hahaha tae, natakot ako, feeling ko ang sama-sama kong tao. hahaha nagsorry naman na ako ke Lord at sakanya :) accepted na niya, si Lord na lang ang hinihintay.
next, kumain ako ng sisig, pero bangus sisig. first time kong kakain ng sisig at natatawa siya kasi nagulat siyang di pala ako kumakain nun.
next, pinahiram niya nanaman ang jacket niya. hindi ko alam pero kapag suot ko yung jacket niya feel na feel ko ang pagmamahal niya. hoho emote.
next, kumain kami ng ishkrim (cornetto) at takang taka siya bakit ayaw ko ng UBE! eh hindi ko alam? masama yung lasa nun for me. hahaha pero tinikman ko naman pero ayaw ko padin. hahaha
next, nagkwentuhan nanaman kami. as always.
last, ang pinakasweet na ginagawa niya kapag magkasama kami at bago kami maghiwalay sa araw na iyon (halik sa nuo).
goodnight, ang random ng thoughts. walang kwenta. gusto ko lang talaga iblog para di ko malimutan. :)
No comments:
Post a Comment