Monday, April 4, 2011

For April Flor Borlagdatan :)

Dahil dumating na ang April 4, 2011 (actually kahapon pa yun)

HAPPY BIRTHDAY SA ISA SA MGA TAONG PINAKIMPORTANTE SA'KIN



April Flor Borlagdatan :)

1. minsan ka lang makakahanap ng kaibigang may malawak na pang-unawa. ung tipong aasarin mo siya sa araw ng birthday niya, at hindi mo agad siya babatiin kasi gusto mo lang siyang lambingin. pero sa huli ikaw pa maaasar sa kalokohang iniisip at ginagawa mo kaya lalambingin mo na siya at babatiin mona siya! hahaha

2. minsan ka lang may makakasamang payatot na babaeng may tiyan na pang sampung tao ata! hanep sa pagkain grabe. kala mo wala nang bukas at akala mo palaging mauubusan ng pagkain. haha. sobrang lakas netong kumain pero kahit ganun walang tabang namumuo sa katawanan nia. parang may mahikang nakapalibot sa katawan na nagsasabing "di ako tataba, di ako tataba, kain lang ng kain." hahaha nakakainggit grabe!

3. siya yung tipong kapag nasaktan mo, tatahimik, tas maya-maya smile na. hindi ka niya aawayin agad, aalamin niya muna yung reason at tiyak na maiintindihan niya yun! the best talaga promise. effective sakanya ang "sorry" at "5mins, 5mins" hahaha! kaya mahal na mahal ko yan, siya yung tipong hindi masasayang lahat ng ala-ala mo kasama siya kasi kahit sapakin mo siya hindi ka niya iiwan bilang kaibigan. hindi ka niya sasabihan ng i hate you, instead sasabihn nia, i love you.

4. kapag umuuwe kami, palaging punong-puno ng kwentuhan at tawanan. madalas may mga kapalpakan kami niyan, pero okay lang, love padin namin ang isa't isa. kahit nga madalas natatae kami kung san-san, hindi ka niyan pandidirian, supportive pa nga yan! bibigyan kapa niyan ng wipes :) hahaha kaya wag mahihiyang tumae, kasi sa ganda naming to, tumatae din kami hahahaha

5. nga pala, siya ang aking momey, momster :) at basta siya ay aking nanay sa aming mahal na eskwelahan. kunsintidor yan nanay kong yan, sa lahat ng ina, yan lang ang magsasabi sayong, "makipagholding hands kana ke kuya felix(aking naliligaw na kaibigan)." grabeng nakakatawa talaga! super kunsintidor ever! hahaha naalala ko pa, sabi niya, "wag kana ma-shy ke mommey, magholding hands na kayo ni kuya felix." hahaha isa pa nung mga unang araw palang nanliligaw si kuya felix, sasabihin niyan, "makipagdate kana! yikeeeeeeee!" grabe talaga! hahaha

6. shock absorber ko nga din yan eh. hahaha term lang yun, i mean, siya yung taong masasabihan mo ng lahat ng bagay sa mundo kahit ano pa yan. lahat ng problema maliit man yan o kasing laki yan ng UST, maikli man o kasing haba ng putok ng sinturon ni hudas, lahat ng kadramahan sa buhay, nobela, parable, maikling kwento, tula, etc. lahat ng kalokohan, lahat ng kapalpakan, maihi ka man sa kama, masuka suka ka man kakainom, magmalandi ka man sa crush mo at lahat ng sekreto kasama na yung kung sino crush mo, kung kelan at saan ka unang tumae sa UST, kung sinong kinaiinisan mo, at maraming pang iba, lahat ng yan, tiyak hindi lalabas hahaha!

7. makikinig yan palage, sa dami-dami ng kwento at problema ko sa buhay, pwedeng pwede mong iyakan yan, wag ka lang sasandal sa payat niyang balikat, hahaha baka lalong pumayat (i love you nay :P)simula first year college classmate ko na yan. lagi kong kasabay umuwe, minsan nakakasabay ko din yan pumasok, pero mas madalas pagpauwe na. hindi ko alam kapag mag-isa lang ako, feeling ko may kulang, malamang siya na yun. kilig :) yikeee! hahaha pero totoo, nakakamiss kapag isang araw, hindi ko siya nakasabay, nakakamiss yung bigla-biglang may mapapansin akong kalokohan at wala akong masasabihan, walang manggagatong. hahah in short, nakakamiss ka nanay peng :)

8. third year kami super naging close. as in theutltramegasuerintergalaktikclose! pero feeling ko forever na kami magkakilala, parang since birth? lahat na lang pinag-usapan namin niyan eh, walang hiya-hiya. pati yung kilikili namin at yung mga plano namin sa buhay, lahat talaga promise!

9. kaya naman sobrang naaappreciate ko yang taong yan. as in! hindi ko alam pero nung first year naman kami, hindi naman kami supermegaclose like ngayon. parang dati kasama ko siyang tumambay, umuwe at tumawa sa mga kalokohan. ngayon KAPARTNER kona siya :) hahahah B1 at B2 kumbaga :)

10. siya yung taong ipagpapasalamat mo kay Bro dahil binigyan ka niya ng kaibigan at nanay na kasing baet, buti, at ganda nia :) yihee! hahaha siya yung tipo ng taong kapag nawala at di mo nakita ng ilang araw eh talagang mamimiss mo. yung tipo ng kaibigang yayakapin mo ng napakahigpit kapag nakita mo, pero dahil payat etong kaibigan kong ito, dahan dahan lang ang pagyakat, baka mangalas buto nian :) pero kahit payatot yan,love na love ko yan nuh! haha siya ang isa sa mga tunay kong kaibigan. kaibigang nakilala ko sa college at kaibigang pahahalagahan ko hanggang mawala na ko sa bilog na mundong ito. kaibigang araw-araw ko ipagpapasalamat at kaibigang hindi ka mapapagod patawanin. kaibigang tanggap kung ano ka, kung anong meron ka, at kung anong wala ka. kung hayop ka man, meron ka mang putok, o kung wala ka mang bra't panty. siya yung kaibigang mamahalin mo hindi lang bilang kaibigan kundi bilang isang KAPATID!!!

HAPPY BIRTHDAY APRIL FLOR BORLAGDATAN :)
kat ongoco labsyuheveryday!

madami pa tayong magagawang magkasama. madami pa tayong pag-uusapan, pagttripan at lalaitin :)
madami pa tayong kakainin kwek kwek, isaw, betamax, bbq, tokwa at iba pa.
madami pa tayong pupuntahang lugar na magkasama :)
madami pa tayong lessons na matututunan :)
madami pa tayong courses na isusumpa at pagpupuyatang magkasama :)
madami pa tayong iiwasang magnanakaw, manyak, snatcher sa lahat ng sulok ng Maynila.
madami pa tayong dapat matutunan :)

kaya sana, lagi tayong mag-iintindihan :)
i love you nay! momster :)
walang iwanan :)
forever friends :) yikeeeee so high school :) hahaha!

GOOD GIRL NA KO OH
O:-)

-kat

ang mga palpak naming pektyurs :)






No comments: