kahit na sinasabi kong okay ako sa mga kaibigan ko, alam ko na para akong isang pagkain sa commercial na maganda at masarap tingnan pero peke pala. gawa sa clay at minsan improvised para hindi masayang o maaksaya. para makapang-akit ng mamimili at mabenta.
sa tuwing hihiga ako ng kama, nakikita ko ang isang taong dati rat'y niyayakap ko doon. binabati ng unan at sinasabihan ng "mahal kita".
sa tuwing magluluto ako, naaalala ko ang picture naming tila mag-asawang endorser ng Cowhead's milk (ata? basta gatas).
sa tuwing hahawakan ko ang camera ko, iniisip ko ang pangungulit at pamimilit ko sa kanyang magkaroon kami ng bagong picture.
yung simpleng upuan nga lang dito sa bahay na alam kong lagi niang unang pupuntahan pagkapasok niya ng bahay, feeling ko nanjan lang siya, nakatingin, sabay yayakapin ako paglumapit na ako.
madami pang memories. ang hirap ng ganitong stage ng buhay. ang sarap magmahal pero ang hirap kalimutan ang lahat kapag hindi na nagwork, kapag nagdesisyon na kayong tumigil na.
No comments:
Post a Comment