Natutuwa akong sabihin na isa si Jester Ivan Ricafrente sa mga taong alam kong papasayahin ang bawat araw ko kapag kasama ko siya, papayuhan ako ng mga bagay na lubos na nakakatulong at nakakagaan ng puso at hindi ako iiwan at sasamahan ako kahit uugod-ugod na ako sa daan papuntang Espana.
Sino nga ba si Jester "Ivan" Ricafrenete?
Siya ang aking Pakner sa college life ko sa UST. Siya ang tagapaghatid ng mabuting balita sa araw-araw ko. Siya ang taong hindi mo kakasanayang sumimangot kasi puno ng sigla at liwanag ang dala niya lalo na ng kanyang mga mata. Siya ang taong nagpapagaan ng mabigat kong kalooban sa isang yakap lang. Isang taong maituturing kong espesyal na kaibigan, isang taong maipagmamalaki kong aking kaibigan, isang taong maipagmamalaki kong aking Pakner.
Hindi ko alam kung paano kami naging ganito. Bago namin tawaging "Pakner" ang isa't isa, humarap muna kami sa madaming pagsubok. Nagsimula kaming maging partners sa TPSF-External Committee. Noong mga araw na iyon, hindi naging maganda ang lahat. Madaming pagsubok na humarap sa amin. Nagkaroon ako ng sama ng loob sa kanya dati at talagang dumating sa punto na ayaw ko na sa kanya. Sa halip na "Pakners" naging "Enemies" muna kami. Pero hindi kami pinabayaan ni Lord. Buti na lang at nadadaan ang lahat ng bagay sa mabuting usapan.
Nakakalibang isipin, nakakatawa at nagkakasakit ng ulo. Lahat ng drama na pinagdaanana namin ni Ivan bago ko masabing naging totoo na kaming magkaibigan.Siguro nga, bago mo masabing totoo kayong magkaibigan kailangan muna niyong harapin lahat-lahat ng pagsubok: tiwala, pagtulong, oras, at marami pang iba. Napakadaming dapat daanan para maging maayos ang lahat at masabi mong tatagal at hindi na muling masisira pa ang relasyong pinaghirapan niyong buoin.
Sa araw na ito, nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan niya ako ng isang Pakner. Isang taong masarap kasama, mapagkakatiwalaan at handang tumulong sa kahit anong problemang dumaan, love life, school matters, friendship matters, name it! Kaya ka niyang tulungan. Ipagdadasal ka pa niyan kay Bro. Sa dami-dami ng problema ko sa buhay, hindi yan nauubusan ng oras makinig at hindi rin nauubusan ng balita ng Panginoon na magpapagaan ng lahat ng sitwasyon. Mga salitang magpapaliwanang ng lahat at magbubukas ng isipan mo na talaga namang nakakabuti sa lahat.
Kaya sa araw na ito, nais kong ipaabot ang aking pagbati sa aking pinakamamahal na Pakner :))
MALIGAYANG KAARAWAN PAKNER!!!
Salamat at isa kang TUNAY na kaibigan. Salamat sa lahat ng dasal at payo sa bawat problemang ibinabahagi ko sa'yo. Salamat sa tulong mo sa mga bagay na hindi ko kaya at hindi ko magawa. Salamat sa pagpapatawad mo at sa pagbibigay mo ng pagkakataong maging kaibigan mo ako.
Nag-iisa ka lang Pakner :)) Alam mong love kita araw-araw :)) Palagi lang akong nasa tabi-tabi kung kailangan mo ako. Hindi ka papabayaan ni Lord. Good luck sa lahat ng tatahakin mo sa buhay. I know you'll be successful. At alam ko rin na kahit ikaw na ang SANTO PAPA (char! haha) eh hindi ka makakalimot at hindi ka magbabago.
Iba ka, Pakner. Saludo ako sa sobrang bait mo. Napakabuti ng puso mo. I LOVE YOU EVERYDAY!!!
(sorry kung late ko natapos itong bati ko Pakner, dapat kasi kahapon to ng 11:59 ng July 19, 2011. Kaso, sa kasamaang palad, nakatulog ako ng 7:00pm ng July 19, 2011. Kaya di ko natapos! I'm really sorry sa sobrang late na pagbati.)
HAPPY BIRTHDAY ULIT PAKNER :))
our very first picture :))
"so maganda naman my pakner" so maganda because i have a very mabaet na pakner :))
our TPSF picture :))
ang cute cute mo Pakner :))
isa pang CUTEEEE picture :))
my Pakner for life :))
HAPPY BIRTHDAY :))
No comments:
Post a Comment