ang sarap sa pakiramdam kapag tahimik.
oo, alam ko. aminado ako. isa ako sa mga taong may makakarinding boses at galit sa katahimikan. isa ako sa mga taong sigaw dito, sigaw doon. mahilig akong kumanta ng malakas sa daan, kahit saang kalsada pa yan. sabi nga ng kapatid ko, hindi kompleto ang araw niya kapag di sumasakit ang tenga niya sa matinis at malakas kong boses. pati nga yung mga ka-opisina niya natatawa sakin. sa tuwing pumapasok ako ng kanilang kwarto at babati ng "hello" pinaghalong inis at katatawanan ang nararamdaman nila kasi may taglay na kakaibang tinis at lakas ang boses ko. sinabi kong kakaiba, pero di ko sinasabing maganda.
pero sa oras na kailangang manahimik, pinipilit kong makisama sa aking kapaligiran. halimbawa, kapag nag-aaral ako kasama ang aking mga kaibigan o kaya naman kapag merong nag-uusap na matanda sa aking harapan. kapag ganyan ang sitwasyon, alam ko na kailangan at dapat kong itikom panandali ang aking bibig.
minsan, napaloob nanaman ako sa isang ingkwentro na sumubok sa aking pasensya. alam ko, hindi dahil pagod ako. alam kong sanhi ito ng madalas na paulit-ulit na pangyayari. iniisip ko, nung bata pa kaya sila at kinakailangan nilang mag-aral, naranasan kaya nilang mairita kasi ang ingay ingay ng mga nasa paligid nila? naranasan kaya nila hindi maintindihan kahit iisang salita na binabasa niya? naranasan na kaya nilang takpan ang tenga nila ng sadya para naman mapansin ng taong maingay sa paligid nila na "may nag-aaral po dito, pwede pong wag magsigawan at wag mag-ingay, pwede pong manahimik muna kayo o lumabas na lang kayo at dun magsigawan"? naranasan na kaya nila yan? ewan ko. siguro hindi? pero imposible.
kahit ano pa man, sana lahat ng tao at maging sensitibo sa bawat gagawin nila. kahit uutot ka lang sa isang lugar, kailangan maging sensitibo ko. ramdam mo naman kung may amoy o wala ang utot mo. mas malala siguro yung maamoy ng lahat ang utot mo at isa ka sa pipintas sa sarili mong utot na mabaho kaysa sa lumayo ka lang ng sandali sa mga tao at bumalik ng tahimik, walang nasktang ilong, walang napahamak na kahihiyan.
shhhhhhhh. balik trabaho na ako. tahimik na.
salamat sa Diyos. :)
No comments:
Post a Comment