by Kat Ongoco
Walang mangyayare kung
patuloy mong tititigan ang
larawan habang naghihintay
sa pag-usad ng taxing sinasakyan.
Walang magbabago kung kakausapin
ang larawan at hihintayin itong
sumagot sa lahat ng katanungang
bumabagabag sa isipang.
Dahil sa mga oras na ito,
tiyak ang nasa litrato ay nananahimik
sa pagtulog at kayakap ang
unang dati ay ikaw.
Nananaginip ng taimtim at ni
hindi ka sumasagi sa isipan
'pagkat ika'y isang parte ng
datng ala-ala na lamang.
'Di na ninanais na muling
balikan at mayakap pa, 'pagkat
ikaw mismo ang nagtaboy sakanya
papalayo sa'yo, sa inyo.
------------------------
Sinulat ko ang tulang ito noong isang beses na ginabi ako ng umuwe mula sa bahay ng aking kaibigan kaya ako'y napilitang magtaxi. Sa kawalan ng magawa, binuklat ko ang aking planner at tiningnan kung ano ang nakaplano kong gagawin para sa susunod na araw. Habang binubuklat ang bawat pahina, nahulog ang isang larawan sa may ilalim ng aking inuupuan. Nakita ko ang isang taong aking lubos na pinahalagahan.
No comments:
Post a Comment