Thursday, September 30, 2010

i love you (LIT)

by Kat Ongoco

As i see you stand,
They you held my hand.

I wish, this memory would never fade.

eto yung una kong ginawa, kaso ang sabi ni Ma'am, wag daw kaming magrhyme. ayun, binago ko na lang :P naging inspirasyon ko yung crush ko :P hahahaha char!

nasan na ang Andrew ng buhay ko?

nanunuod ako ng Endless love. naisip ko lang, ang swerte ni Jenny kasi may Johnny na siya, meron pang Andrew. pero sa nasabing love triangle, kung ako si Jenny, mas pipiliin ko si Andrew.

ngayon, naisip ko, nasan na nga ba ang Andrew ng buhay ko? yung lalakeng kahit anong mangyare, handang mahalin at tanggapin ako. yung taong hindi ako iiwan sa sandaling siya ay yakapin ko. yung taong kahit iwan ko ay walang pagkukubling tatanggapin akong muli at muling mamahalin. yung taong sa pinakasimpleng dahilan ay handang mahalin ako.

hindi ko kelangan ng kasing gwapo ni Andrew sa Endless love, ang kelangan ko ay ang mapagmahal na Andrew. Isang taong walang tigil sa pagmamahal sa kabila ng napakaraming humahadlang at tumututol.

Andrew, magpakita kana :P

Saturday, September 25, 2010

yakisoba...

ang yakisoba masarap? para sa ilan, siguro. pero para sakin, okay lang.
ang sex masarap? para sa ilan, oo. pero para sakin, hindi ko naman alam.

maraming bagay sa mundo. bigla na lamang naiisip at napag-uusapan. minsan nakakadagdag sa kaalaman, pero minsan nagiging sanhi ng pagkalito ng ating isipan.

Wednesday, September 22, 2010

liwanag ng jeep...

sa pagsilip ko sa bintana mula sa ika-pitong palapag ng aming gusali, karamihan ng nakita ko ay liwanag. liwanag ng jeep.

naisip ko lang, sa kahit anong dilim ng daan, may dalang liwanag padin ang jeep. ito ay isa sa mga sinasakyan natin sa ating buhay, saan man tayo magpunta.

para din yang buhay, kahit saan tayo dumaan merong pagsubok at sa bawat pagsubok merong liwanag na makakatulong sa atin para hindi mapunta sa maling landas.

siguro, sa buhay, tingnan natin kung maliwanag ba ang ilaw ng jeep na sasakyan natin :P

Tuesday, September 21, 2010

crush nga siguro kita...

bakit kapag nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko?
bakit kapag magkakasalubong tayo sa kung saang lupalop man eh hindi ko alam kung saan ako titingin?
bakit kapag nakikita kita, sa isip ko nakakaramdam ng saya?

ang OA ko siguro. alam ko. pero hindi ko talaga magets. bakit ikaw? ano meron? hindi ko naman din alam. kasalanan ko ba? wala namang ano? pero bakit sayo?

alam ko mabaet ka. alam ko matalino ka. alam ko magaling ka maglaro ng basketball(hay, grabe ang galing mo, nakakainis kang panuorin, lahat na lang pasok!). alam ko ang OA ko.

pero, natatakot ako. na malaman mo. malaman mong crush kita. kahit alam ko, at ng buong forum na crush mo din ako(hindi naman lahat may alam :P OA lang ako). hindi ko din naman alam. hindi ko alam kung crush mo padin ako. ang alam ko lang. ako ngayon ang nahulog sayo.

natutuwa ako pag nakikita kita. natutuwa ako pagnakakarinig ng mga bagay tungkol sayo. natutuwa ako sayo. hahahahaha

crush nga siguro kita...

Monday, September 20, 2010

kinatatakutan ko...

ayoko ng nakakarinig ng "mamamatay na ata ako" o kaya "hindi na ata ako magtatagal".

natatakot ako, lalo na kung ang taong nagsabi ay mahal ko. natatakot ako, lalo na't alam kong bukas hindi nila ko makakasama dahil nasa malayo ako. natatakot ako, baka bukas magsisi ako na ang pinili ko ay dito tumira sa Maynila. natatakot ako, lalo na't alam kong hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng ginawa nila para sakin.

ang hirap umalis. ang hirap maiwan. natatakot ako.

Friday, September 17, 2010

like sa facebook...

Ang simpleng pag-like ng post sa facebook, maaring magkapagpasaya ng araw ng isang tao.

Nito lamang, nag-post ang dati kong minamahal (hanggang ngayon, mahal ko pa). Sabi niya namimiss na niya ang pinsan niya. Sa hindi malamang dahilan, ni-like ko ang post niya. Dito magsisimula ang kwento.

Konting kwentuhan, konting asaran. Ayun, ligaya ko'y hindi mapantayan. Ang hiling ko noon, sana hindi na matapos ang oras, sana hindi na kailangang ipagpalipas. Kaso, kelangan, kelangang magpaalam.

Kinabukasan ng kaarawan niya, hinintay ko bago ang saktong oras. Hindi ko alam kung anong pagbati ang dapat, kaya ayun, nauwi ako sa simpleng "HAPPY BIRTHDAY" lang. Hinintay ko agad ang sagot niya, akala ko naman magiging espesyal. Nabigo ako, dahil ang sagot niya "Thank you, Kat" lang. Ayus lang, wala naman talaga dapat akong asahan. Sino nga ba ako? Kaibigan lang naman.

Sa wall niya nag-post ako, sabi ko Happy birthday ulit. Kinabukasan nakita ko, sabi niya, Thank you ulit. Pero natuwa ako, ngayon naman may "mua." Ang OA ko, doon lang abot langit na ang tuwa ko. Maya-maya nagpost ako sa wall ko. Nagulat ako, siya din nagpost sa wall ko. Akala ko kung ano, akala ko magpapasalamat lang. Natawa ako, natawa ako ng sobra.

Hindi ko alam, bakit ako natawa. Natawa siguro ko, feeling ko lang kasi nagselos siya. FEELING KO LANG. Ganun pa man, natawa talaga ako! Dito nagsimula ang sunod na kabanata.

Sabi niya sino yun? Sabi ko, major ko yun. Sabi niya hindi ko daw siya binati sa wall niya, sabi ko meron na! Sabi niya isa pa daw dahil hindi niya nakita, sabi ko sige na nga!

Ayun na nga, ako pasimple pa! Siguro pambawi sa dating hindi ko pagbati ng kasing sweet ng ngayon. Pero, hindi naman talaga kasing sweet yung ngayon. Gusto ko man, nahihiya ako. Alam ko kasi, busted na ako :P

Nagbiro ako. Sabi ko, "pakain ka naman." Natuwa ako, sabi niya, "tara, karate kid, potato balls." Abot langit nanaman ang aking nadamang kasiyahan. Hindi ko naman kasi iyon inaasahan. Ako naman, nagpakipot pa, kaya iyon, hindi ko alam kung matutuloy ba. Hanggang dumating na ang oras, ang aking kinatatakutan, kelangan niya ng lumisan, gumawa ng dapat. (sad)

Sana naman Bro, dinggin mo ang aking panalangin. Sana naman Bro, kanyang totohanin :P

GOODNIGHT :P