Thursday, September 30, 2010

i love you (LIT)

by Kat Ongoco

As i see you stand,
They you held my hand.

I wish, this memory would never fade.

eto yung una kong ginawa, kaso ang sabi ni Ma'am, wag daw kaming magrhyme. ayun, binago ko na lang :P naging inspirasyon ko yung crush ko :P hahahaha char!

nasan na ang Andrew ng buhay ko?

nanunuod ako ng Endless love. naisip ko lang, ang swerte ni Jenny kasi may Johnny na siya, meron pang Andrew. pero sa nasabing love triangle, kung ako si Jenny, mas pipiliin ko si Andrew.

ngayon, naisip ko, nasan na nga ba ang Andrew ng buhay ko? yung lalakeng kahit anong mangyare, handang mahalin at tanggapin ako. yung taong hindi ako iiwan sa sandaling siya ay yakapin ko. yung taong kahit iwan ko ay walang pagkukubling tatanggapin akong muli at muling mamahalin. yung taong sa pinakasimpleng dahilan ay handang mahalin ako.

hindi ko kelangan ng kasing gwapo ni Andrew sa Endless love, ang kelangan ko ay ang mapagmahal na Andrew. Isang taong walang tigil sa pagmamahal sa kabila ng napakaraming humahadlang at tumututol.

Andrew, magpakita kana :P

Saturday, September 25, 2010

yakisoba...

ang yakisoba masarap? para sa ilan, siguro. pero para sakin, okay lang.
ang sex masarap? para sa ilan, oo. pero para sakin, hindi ko naman alam.

maraming bagay sa mundo. bigla na lamang naiisip at napag-uusapan. minsan nakakadagdag sa kaalaman, pero minsan nagiging sanhi ng pagkalito ng ating isipan.

Wednesday, September 22, 2010

liwanag ng jeep...

sa pagsilip ko sa bintana mula sa ika-pitong palapag ng aming gusali, karamihan ng nakita ko ay liwanag. liwanag ng jeep.

naisip ko lang, sa kahit anong dilim ng daan, may dalang liwanag padin ang jeep. ito ay isa sa mga sinasakyan natin sa ating buhay, saan man tayo magpunta.

para din yang buhay, kahit saan tayo dumaan merong pagsubok at sa bawat pagsubok merong liwanag na makakatulong sa atin para hindi mapunta sa maling landas.

siguro, sa buhay, tingnan natin kung maliwanag ba ang ilaw ng jeep na sasakyan natin :P

Tuesday, September 21, 2010

crush nga siguro kita...

bakit kapag nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko?
bakit kapag magkakasalubong tayo sa kung saang lupalop man eh hindi ko alam kung saan ako titingin?
bakit kapag nakikita kita, sa isip ko nakakaramdam ng saya?

ang OA ko siguro. alam ko. pero hindi ko talaga magets. bakit ikaw? ano meron? hindi ko naman din alam. kasalanan ko ba? wala namang ano? pero bakit sayo?

alam ko mabaet ka. alam ko matalino ka. alam ko magaling ka maglaro ng basketball(hay, grabe ang galing mo, nakakainis kang panuorin, lahat na lang pasok!). alam ko ang OA ko.

pero, natatakot ako. na malaman mo. malaman mong crush kita. kahit alam ko, at ng buong forum na crush mo din ako(hindi naman lahat may alam :P OA lang ako). hindi ko din naman alam. hindi ko alam kung crush mo padin ako. ang alam ko lang. ako ngayon ang nahulog sayo.

natutuwa ako pag nakikita kita. natutuwa ako pagnakakarinig ng mga bagay tungkol sayo. natutuwa ako sayo. hahahahaha

crush nga siguro kita...

Monday, September 20, 2010

kinatatakutan ko...

ayoko ng nakakarinig ng "mamamatay na ata ako" o kaya "hindi na ata ako magtatagal".

natatakot ako, lalo na kung ang taong nagsabi ay mahal ko. natatakot ako, lalo na't alam kong bukas hindi nila ko makakasama dahil nasa malayo ako. natatakot ako, baka bukas magsisi ako na ang pinili ko ay dito tumira sa Maynila. natatakot ako, lalo na't alam kong hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng ginawa nila para sakin.

ang hirap umalis. ang hirap maiwan. natatakot ako.

Friday, September 17, 2010

like sa facebook...

Ang simpleng pag-like ng post sa facebook, maaring magkapagpasaya ng araw ng isang tao.

Nito lamang, nag-post ang dati kong minamahal (hanggang ngayon, mahal ko pa). Sabi niya namimiss na niya ang pinsan niya. Sa hindi malamang dahilan, ni-like ko ang post niya. Dito magsisimula ang kwento.

Konting kwentuhan, konting asaran. Ayun, ligaya ko'y hindi mapantayan. Ang hiling ko noon, sana hindi na matapos ang oras, sana hindi na kailangang ipagpalipas. Kaso, kelangan, kelangang magpaalam.

Kinabukasan ng kaarawan niya, hinintay ko bago ang saktong oras. Hindi ko alam kung anong pagbati ang dapat, kaya ayun, nauwi ako sa simpleng "HAPPY BIRTHDAY" lang. Hinintay ko agad ang sagot niya, akala ko naman magiging espesyal. Nabigo ako, dahil ang sagot niya "Thank you, Kat" lang. Ayus lang, wala naman talaga dapat akong asahan. Sino nga ba ako? Kaibigan lang naman.

Sa wall niya nag-post ako, sabi ko Happy birthday ulit. Kinabukasan nakita ko, sabi niya, Thank you ulit. Pero natuwa ako, ngayon naman may "mua." Ang OA ko, doon lang abot langit na ang tuwa ko. Maya-maya nagpost ako sa wall ko. Nagulat ako, siya din nagpost sa wall ko. Akala ko kung ano, akala ko magpapasalamat lang. Natawa ako, natawa ako ng sobra.

Hindi ko alam, bakit ako natawa. Natawa siguro ko, feeling ko lang kasi nagselos siya. FEELING KO LANG. Ganun pa man, natawa talaga ako! Dito nagsimula ang sunod na kabanata.

Sabi niya sino yun? Sabi ko, major ko yun. Sabi niya hindi ko daw siya binati sa wall niya, sabi ko meron na! Sabi niya isa pa daw dahil hindi niya nakita, sabi ko sige na nga!

Ayun na nga, ako pasimple pa! Siguro pambawi sa dating hindi ko pagbati ng kasing sweet ng ngayon. Pero, hindi naman talaga kasing sweet yung ngayon. Gusto ko man, nahihiya ako. Alam ko kasi, busted na ako :P

Nagbiro ako. Sabi ko, "pakain ka naman." Natuwa ako, sabi niya, "tara, karate kid, potato balls." Abot langit nanaman ang aking nadamang kasiyahan. Hindi ko naman kasi iyon inaasahan. Ako naman, nagpakipot pa, kaya iyon, hindi ko alam kung matutuloy ba. Hanggang dumating na ang oras, ang aking kinatatakutan, kelangan niya ng lumisan, gumawa ng dapat. (sad)

Sana naman Bro, dinggin mo ang aking panalangin. Sana naman Bro, kanyang totohanin :P

GOODNIGHT :P


oras...

by Kat Ongoco

kung kelan kelangan
saka naman bumabagal

oras, iyong bilisan
ang pag-ikot na kay tagal

ako'y napapagod na
konti na lang, kaya ko pa.


ang pagsulat...

Kung mayroon kang naiisip, at gusto mong isulat, simulan mo. Malay mo, mamaya o bukas, may babasa noon para sayo. Hindi man kasing ganda ng iba, hindi man kasing perpekto ng ilan, galing yan sa puso mo.

Mahirap kung pipilitin mo ang sarili. Subukan mong isipin kung saan mawiwili. Ang paraan ng pagsulat nakabatay sa karanasan. Sa tulad kong may kakulangan, tiyak mahihirapan.

Kung ang buhay mo'y nakakulong sa pagsusulat ng mga bagay na nakalaan para sa susunod na henerasyon, subukan mong isipin, anong meron bukas sa pagsikat ng araw.

Simple lang naman. Kung ikaw ay malaya, ang pagsulat mo'y siya ring magiging malaya.

Reci...

by Kat Ongoco

tired?
sleepy,
I'm scared.

unprepared?
not quite,
I'm just scared.

now?
blaming myself,
'cause i wasted time.

failure?
face me again,
no, please not today.

Reci...

tired?
sleepy,
I'm scared.

unprepared?
not quite,
I'm just scared.

now?
blaming myself,
'cause i wasted time.

failure?
face me again,
no, please not today.

Thursday, September 16, 2010

arte-etra is still my love...

TRC Arte-Etra Theater Guild i watched the presentation of AA, and i suddenly remembered my Arte-Etra days.

i need to cry, i need to laugh, i need to frown. i need to dance. i need to pretend that i’m insane (sisa). i need to shout “natitigang ako” while playing the role of a girl being raped by her father.

those days. those memories.

main agenda: do what you should do, feel each and every word, express whatever you can, amaze the audience.

best part: the play proper. the last part.

advice: be what you should be. you should give justice to role.

to act is to become the role…

kayo ko...

by Kat Ongoco

gusto kong makalimot,
gusto kong umahon.

tigilan ang hinanakit,
simulang mangarap muli.

siguro talagang doon lamang,
hindi na dapat pang pagtuunan.

kaya ko,
di dapat pagdudahan.

arte-etra

TRC Arte-Etra Theater Guild

i watched the presentation of AA, and i suddenly remembered my Arte-Etra days.

i need to cry, i need to laugh, i need to frown. i need to dance. i need to pretend that i'm insane (sisa). i need to shout "natitigang ako" while playing the role of a girl being raped by her father.

those days. those memories.

main agenda: do what you should do, feel each and every word, express whatever you can, amaze the audience.

best part: the play proper. the last part.

advice: be what you should be. you should give justice to role.

to act is to become the role...

again...

i am starting to stalk his profile again. i gotta say this cause i know you're the only way on how i can express this fuckin' feeling :P
hay, i feel like i wanna be with him again! oh noh, this is not so good. this is so sad! hahahaha! 'cause i know, no matter how hard i try, it won't happen! OUCH :P
------
still am in love with taba, i think. unexplainable.

Saturday, September 11, 2010

sumulat ang pangarap

Noon, hindi ako seryoso. Hindi ko inisip na magiging ganito ang daang tatahakin ko.
Ngayon, ako ay desidido. Gusto kong tuparin ang pangarap ko.
Ano nga ba ang pangarap ko? Ito ay ang sumulat.
Sumulat ng may dahil at may laman. Sumulat para sa tao at hindi para sa sarili
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ang sarap kapag nagkukwento.
Sana noon pa, sana matagal na.

Pangarap kong sumulat, sumulat para sa pangarap.

9/11


Para sa ibang tao, ang araw na ito ay makasaysayan. Para sa isang tao, ito ang araw ng kanyang kapanganakan.

Sino ang taong ito? Siya ang dati kong minahal. (hahaha)

Naalala ko lang, kanina, noong isang taon nagbirthday siya. Hindi sweet ang message ko sa kanya kahit mahal ko pa siya. Kaya ayun, siguro nasaktan siya. Ni hindi ko naiparamdam na mahal ko siya at importante siya.

Sana, kahit ganun. Nalaman niyang mahalaga siya.

HAPPY BIRTHDAY SAYO :P
Iloveyoueveryday...taba :P

busina ng sasakyan

by Kat Ongoco

ano nga ba ang dahilan
ng iyong pagdaan?
tila ikaw ay isang ingay
sa tenga ko'y sumasalakay.

nais kong malaman
ako'y iyong hayaan
sa aking pagsakay
tunog mo'y aking gabay.

ano nga ba ang dahilan
ng iyong pagdaan?
ako ay iyong tulungan
nang hindi maguluhan.

sa aking katanungan
ako ay hayaan,
upang aking malaman
ang tanging dahilan.

ano nga ba ang dahilan
ng iyong pagdaan?
wag mong pipigilan
kapalit ay aking buhay.

batid ko ang 'yong tulong
sa bawat pag-usbong,
ako'y iyong iwasto
dito sa ating mundo.

Friday, September 3, 2010

gawaing minamahal

ang saya maging part ng isang organisasyon. ang saya makitawa sa mga taong nagbibigay ng panahon. pero ang sakit naman kapag ang mga taong inaasahan mo ang siya rin namang manloloko.

kung hindi mo kaya
wag nang pilitin pa
kung wala kang oras
sana'y hindi na pinalipas

tinanggap mo yan
dapat mong pagtiyagaan
hindi lang ikaw ang nariyan
pareho tayo ng pinapasan

kung ika'y napapagod
sikaping huwag mahulog
kung hindi mo kaya, HOY!
di na dapat pinagpatuloy!

parang pangarap yan
kahit di alam hanggang saan
ang tatahaking daan
kakayanin at biglang gagaan

kung ikaw ay mang-iiwan
marapat lamang na ako'y sabihan
hindi ko naman kelangan
ng walang paninindigan!

---------

nagawa ko to sa sobrang sama ng loob. ang bigat, ang hirap, ang sakit, nakakainis.
mahal ko kasi ang forum, mahal ko din ang mga tao doon.
hindi ko nga sila maiwan, ni hindi ko nga sila matanggihan.
siguro minsan talagang may nang-iiwan, yun nga siguro ang dapat kong pagsanayan.

hay, walang kwenta. pareho lang tayo ng pinoproblema.
sana magising ka, sana matuto ka.
nagsisimula pa lamang, ikaw ba ay hanggang jan lang
akala ko ba tayo'y magtutulungan, akala ko ba walang iwanan?

---------

ang punto ko lamang,
mahalin mo ng lubusan
ang forum na nagmamahal

wag mong iwan
sa oras na kailangan
iyong mga kaibigan

kaya naman db?
bakit mang-iiwan ka?
masyado bang mahina?