Sunday, January 16, 2011

My Astro Pen!


January 16, 2011

habang nanagbabasa ako ng Rise and Fall chuchu para sa isang klase namin, naisipan kong gusto kong pumunta sa Cash & Carry mall para bumili ng Quickly (isang inuming worldclass dahil sa taglay nitong sarap, marahil dahil sa mga sangkap tulad ng nata, pudding, ect.).

Ang nangyare, bumili ako ng Quickly at kumain kami ng dinner ng ate ko. Pagkatapos, naglakad kami at nakakita ng astro boy chess board. nagbakasakali ang ate ko na mag stuffed toy na astro boy pero wala. ang tanging meron lang ay ang chess board at ballpen. dahil di naman mahilig si ate sa ballpen, ako na lang ang nagpabili. dagdag collection :P


No comments: