Sunday, January 16, 2011

LAINE AND AP :P


sa bawat sampung tao sa mundo, minsan ka lang makakakilala ng taong di ka iiwan. iilan lang ang tatanggap ng katangahang nagawa mo at nagagawa mo.

Sa buhay ko, nakakita ako ng dalawa. (hoho) Si Laine at Apap.

sila ang dalwang taong tanggap ako sa lahat ng ka-badingan, ka-praningan at ka-engotan ko sa buhay. ang dalawang nakikipagpustahan sakin palage na ako ang pinakaunang ikakasal saming tatlo dahil seasonal daw sila. ang dalawang magsasabi sakin na “kaya mo yan Kat, wag kang aayaw” sa tuwing dinadalaw ako ng pagkasira ng ulo. ang dalawang taong titiisin ang saltikin kong ugali sa mga panahong gutom na gutom na ako. ang dalawang babaeng dadamayan ako sa pagkain ng spaghetti+chicken+rice+fries+burger+sundae sa Mcdo. kahit umutot ako okay lang. kahit di pa ko naliligo okay lang. kahit wala akong pangarap sa buhay at ang gulo-gulo ng utak ko okay lang. sila na lang lagi ang umiintindi sakin. sila lang ang maghihintay sakin pagkatapos ng practice sabay yayakapin ako kahit pawis na pawis ako. hahaha.

they’re the best. i just want to be with them a.s.a.p.

No comments: