Monday, May 30, 2011

ang drama ko ngayon

dahil bigo nanaman ako sa tengeneng pag-ibig na 'yan, ang drama ko nanaman sa buhay ay, "hindi na ako magboboyfriend o magpapaligaw!"

matutupad ko kaya o magiging bigo nanaman ako sa aking pangarap na ito. sabi ko pa kahapon habang ginagawa namin ng dalawa kong kapwa polscie ang aming bulletin board, "gagraduate ako ng walang boyfriend!"

nakakatawa kasi yung igali ko. ganito talaga ako. padalos dalos. pabigla bigla. maisipan ang maisipan. minsan bibili ako ng gamit o damit dahil gusto ko lang kahit panlalake pa yun. maghihintay ako ng mapagbibigyan nun sa future. minsan naman (parang kahapon) mag-aaya akong manuod ng sine. syempre mag-isa eh, kaya mga kaibigan ang niyayaya kong manuod ng sine ngayon. at isa pang minsan, nagyayaya akong magswimming, magbeach at kung anu-ano pa. para lang may mapaglibangan. para lang hindi masyadong mag-isip. para maging masaya.

No comments: