Tinulungan ko siyang gumawa ng bulletin board ng major namin ngayong araw at bigla na lang naming naisipang magdate dahil pareho kaming biguan sa pag-ibig.
Date=Friendly date. Hindi pwedeng lagyan ng kulay dahil kami ay close friends :)
Sumakay kami sa Fx. nung nuna, gusto naming magtaxi dahil inabot kami ng ulan na siyang umiiyak para sa amin. Kaso, wala kaming makitang taxi kaya no choice, Fx talaga. nilibre nia ako. at si kuyang magulang hindi na kami sinuklian, sabi naman ni Doc okay lang yun. Sakin kasi, pag nangyare yun, aawayin ko si Manong. ang kuripot ko kasi sa ganun. hahaha
Tapos pagkababa namin, ayun kwentuhan sa daan. Getting-to-know-each-other? errrrr. Mali, getting-to-know-about-what-happened-sa-biguang-puso. hahaha tapos nakakita ako ng Superman na baller na matagal kona gustong bilhin. sabi nia "bili tayo." syempre ako naman natuwa. "yehey!" sigaw ng puso ko. haha tapos dahil ayaw magpatawad ni kuya, ako na lang daw ang bumili sabi ni Doc. binayaran nia at pinapili ako. syepmre nakakahiya kasi siya pa ang nagbayad. eh hindi naman ako nagpapalibre. sabi ko na lang, "lahat na lang libre mo, ako naman mamaya."
nagpunta na kami sa SM Manila at bumili ng ticket ng Kung Fu Panda 2. siya ang nakisabak sa napakahabang pila para sa ticket at ako naman sa food (pop corn at iced tea), sa awa ni Lord, nakabili naman kami. Di man kami umabot sa 6:35pm na show kaya yung 7:10pm naman (last full show) ang napanuod namin. sabi ni Doc, first time nia daw yun. yung tatayo, mukhang sira kasi kakanta ng National Anthem sa loob ng sinehan. ang awkward ng feeling kaya kapag ganun.
dahil kailangan pa naming hintayingmatapos yung naunang show, nagpunta muna kami sa World of Fun dahil walang Timezone sa SM Manila. Naglaro kami ng basketball. Grabe, nakakamiss. nung highschool pa ata ang last kong nilaro yun. lalo ko lang narealize na ang liit ko, kasi kelangan ko pang tumingkayad para lang makashoot! hahaha pero natalo ko si Doc :) Hurray to me :)
isa pa, nakakatawa kasi, parang matatanda yung karamihan ng kasama naming manuod. matanda, as in matatanda. karamihan pa nga eh mag-isa. although meron naman kaming nakasabay na mga nagdadate. pero mas gusto ko pa atang makakita ng matandang kasabay kesa mga nagdadate kasi parang pinipiga sa sakit ang puso ko (char, landi, tengene).
anyway, worth it naman ang panunuod namin ng Kung Fu Panda 2. masaya, cute, sobrang bangag lang talaga! actually, hindi lang yun. YUNG BUONG ARAW AY TALAGANG WORTH IT. tama ang decision kong pumunta sa school at tulungan si Doc at Pat gumawa ng bulletin board. tama ang decision kong manuod ng sine instead na hintayin yung kapatid kong dumating galing new york dahil kung ginawa ko yung hanggang 2am naman pala ako maghihintay. tama din na nagpakasaya ako ngayong araw. dami naming nashare sa isa't isa. lessons, etc.
sana maging okay na kami ni Doc (yung puso namin dahil mga sawi nga, haha). i know we'll be. maybe not now, but i know it'll happen soon.
No comments:
Post a Comment