Saturday, June 25, 2011

Singapore Dollars






Photos by: Kat Ongoco

Batas Tomasino Card

Photo by: Kat Ongoco

Back to December by Taylor Swift

Thursday, June 16, 2011

Birthday Surprise for the Best ate in the world :)

the blue and white flower arrangement's my birthday present for my beloved sister :)

the funny story behind:
i called the flower dealer and they told me that my sister already received my gift. i waited for her to text or call me but she did not. i started to wonder why she did not even bother to thank me? hours later, my phone rang and it's her. she said, "sayo galing yung flowers?" and i said "yeah, bat ngayon lang dumating?" "No, kanina pa, ngayon lang namin na figure out kung kanino nanggaling." 

That's the problem. the dealer was not able to attach the birthday card that i made for her. 
SAYANG ANG EFFORT. Nevertheless, what matters most is that i made her HAPPY. 

Ate said, "Sobrang ganda nung flowers na napatalon ang puso ko sa tuwa. Sabi ko nga, alam na alam nung tao yung favorite color ko, which is blue. Kaya sure akong close kami nung nagbigay nun. And it was you, THANK YOU SISTER :P"

HAPPY BIRTHDAY ATE :) i love you everyday :P

Saturday, June 11, 2011

ang payo ng isang kaibigan sa isa pa naming kaibigan


Yton: “I still can’t believe she left me just to be with a “k-pop” looking guy..iw..eh k-pop pala gusto!!how indecent is that!!!! >=(“
Thea: “tama yton di agad lilipas yan.. kase un ang pinapaniwalaan mu.. but the truth is IT WILL EVENTUALLY HEAL IF YOU STOP THINKING ABOUT IT. di masama if ur enduring the pain and mourning for what happened.. it’s all in the process.. psychological lng yn kase tlgang finocus mo sknya attention mu.. HAHAHA kung anuanu piangsasasabi ko dio. BUGBUGIN NA YAN! hahaha joke

Tuesday, June 7, 2011

Ten principles (copied from http://www.sil.org/anthro/communitywork.htm)

Ten principles

Over the years, ten principles have been formulated in SIL as a definition of a healthy process of CD.
  1. Start where the people are.
  2. Build relationships; then introduce new ideas, showing how they meet identified needs.
  3. Keep projects simple.
  4. Involve as many community people as possible in all activities from the start.
  5. Train people close to their home communities.
  6. Train in locally acceptable ways (e.g. methods, facilities).
  7. Train trainers who can train others.
  8. Involve local leadership.
  9. Cooperate with governments.
  10. Encourage interdependent relationships vs. dependent or totally independent relationships.

Friday, June 3, 2011

Sa Taxi (06-03-2011)

madalas akong sumakay ng taxi kapag feeling ko mayaman ako sa araw na iyon (kahit hindi naman) at kapag kailangan kona din tipirin ang oras sa kadahilanang palagi akong late sa mga lakad ko sa buhay ko.
sa tuwing sumasakay ako ng taxi at sa tingin ko naman ay masarap kausap sina manong driver, tinatanong ko sila ng kung anu-ano.
kagabi, usapang broken hearted dahil pinagtatawanan niya kami ng kaibigan ko dahil biguan kami sa pag-ibig. yung isa nawalan at yung isa hindi maintindihan si lalake. sabi niya, “ganyan talaga kaming mga lalake, magulo ang isip. minsan hindi seryoso. minsan din naman seryoso. kung mahal ka talaga niyan, babalik yan sa buhay mo at kung hindi, madali lang, magmove on ka!”
sabi niya pa, “wag kang matakot maging tanga sa pag-ibig dahil lahat ng tao kahit genius pa eh nagiging tanga talaga sa pag-ibig.” tawang tawa lang ako kasi agree ako ng agree sa lahat ng sinasabi niya. oo, certified aanga anga talaga ko sa napakahirap imaster na larangan ng pag-ibig.
ang ending namin ni kuyang driver, nagkasundo na lang kaming pakinggan ang mga payo ni Papa Jack! (benta, promise.)

1k for 1day

Napaka-ikli ng buhay ng isang tao para tanggihan ang isang araw ng pagtulong sa nakararami. At sa araw ng 1Kfor1day, lalo kong napatunayan na tama lang na pinili ko ang isang araw sa ilalim ng initan habang nagbubuhat ng hallow blocks kesa sa isang araw na nakatungangang aking nakagawian.
Sa aga ng aming call time, di nawala sa aking isipan na tamarin at wag na lamang pumunta. Bukod sa napakasarap na simoy ng hangin nang umagang iyon, napakasarap rin matulog at yakapin pa ang aking unan. Pasalamat na lamang at sa tuwing naaalala ko ang aking mga makakasamang kaibigan ay mabilis na nagbabago ang aking isip at muli akong nahihikayat na pumunta.
Napuno ng kwetuhan ang aming biyahe papunta sa Laguna. Mayroon din namang katulad ko na piniling manahimik at magmasid sa daan dahil ang aking katabi ay nakatulog na. Iniisip ko kung ano kaya ang daratnan namin sa aming pupuntahan? Tama nga bang construction ang sinalihan ko?  Paano naman kami gagawa ng bahay sa loob lamang ng isang araw na di mo malaman kung bubuhos ang malakas na ulan o titirik ng matagal ang sikat ng araw? Buti na lang libre ang pagkain at may bonus pang tawanan.
Nang tumigil na ang bus na aming sinasakyan, hindi ko napigilan ang maging masaya. Nagumpisa kami sa pagkain ng chiken fillet sandwich at dumiretsyo sa bahay na aming gagawin. Nakita ko ang dami ng taong nagtutulong-tulong para makagawa ng hele-helerang bahay. Karamihan hindi ko kakilala. Pinaghalu-halo ang mga tao mula sa iba’t ibang lugar at organisasyon. Tulad na lamang sa aming grupo. Hindi lahat kami ay galing sa UST. Mayroon kaming kasamang taga ibang eskwelahan at ang iba pa nga ay nakatapos na at mayroong trabaho.  Kaagad kaming nagpaturo sa isang manggagawa at saka sinimulan ang tunay na laban.
Pinagpasa-pasahan namin ang hallow blocks patungo sa loob ng bahay. Masasabi kong maliit ang bahay at ibang iba sa aking nakagawian. Parang isang kwarto na mayroong isang banyo. Tamang-tama lang sa isang maliit na pamilya. Sumunod ay pinatas namin at pinagpatong-patong ang mga hallow blocks para mabuo ang apat na pader ng bahay. Sinubok kami ng katirikan ng araw, walang hangin kaya’t tumatagaktak ang aming pawis at sinabayan pa ng pagkakaubusan ng inumin. Walang tindahan kaya lahat ng mga volunteers ay umaasa lamang sa kanya-kanyang dalang tubig at sa ipinamimigay ng mga staff na naroroon.
Pagkatapos ayusin ng kasama naming manggagawa ang aming mga ipinatas, kaagad naming sinimulan ang paghahalo ng semento. Muli kaming sinubok ng panahon. Umulan ng malakas kaya’t pinakain muna kami ng tanghalian. Sa aming pagbabalik, naapektuhan ng bahagya ang tinimpla naming semento kaya’t muling hinalo at tinimpla. Nang maayos na, sinimulan na namin ang paglalagay ng semento sa pader ng bahay. Kung titingnan, napakadali. Lagay dito, lagay doon pero kailangan mong punuin at siguraduhing tama ang pagkakalagay sa bawat hallow block. Hindi naman maaring basta na lamang gawin dahil buhay padin ang maaaring mapahamak kung hindi namin aayusin ang paglalagay ng semento.
Pagkalipas ng ilang minuto, sinabihan na kaming tapusin ang ginagawa namin dahil kailangan na naming bumalik sa Maynila. Sa puntong iyon, lahat kami ay nagulat. Ang bigat nga naman sa loob na iwan ang ginagawa namin kahit na hindi pa naman namin ito lubusang natatapos. Napakabilis ng oras. Kung kalian pa nga gustong gusto na namin ang ginagawa namin ay saka naman kami pinapauwe. Dahil may katigasan ang aming ulo, pinilit naming tapusin ang aming ginagawa bago umalis. Medyo nahuli pa nga kami sa pagbalik sa bus at bakas sa mukha ng aming mga kasamahan ang pagka-inis dahil sa tagal naming kumilos. Hindi namin sila masisisi, masarap nga namang umuwe at maligo pagkatapos ng lahat ng ginawa namin pero mas masarap naman siguro kung alam mong nagawa at natapos mo ang dapat mong gawin bago ka umalis.
Naalala ko ang kwento ng nakasama naming manggagawa. Sabi niya, ang bawat isang manggagawa ay kailangang makatapos ng tatlong bahay sa loob lamang ng dalawang araw. Three hundred fifty pesos kada isang araw sa kabila ng napakainit na sikat ng araw at buhos ng ulan, lahat tinitiis nila para kumita ng perang ipambibili nila ng pagkaing ihahain sa mesa. Naisip ko kung gaano ako kaswerte bilang isang estudyante na nakatira sa isang maayos na bahay at mayroong baon na natatanggap sa aking mga magulang para may magastos araw-araw at may maipambili ng mga bagay na aking magustuhan. At sa araw na ito, isang araw ng pagsasakripisyo, nagawa ko ang dapat kong gawin. Itong araw na ito ay nagsilbing pagpapasalamat ko bilang isang mamamayan at bilang isang tao.
Ano nga naman ba ang isang maghapon na masikatan ka ng araw, magalusan ng hallow blocks ang malambot at makinis mong kamay, mag-amoy putok dahil sa pawis na tumutulo sa loob ng damit, maligo sa ulan na iniiwasan mo sa isang ordinaryong araw kung alam mo namang kahit na kaunting tulong ay naibigay mo sa taong dapat gagawa ng nasabing bahay at sa tao o pamilyang ilang buwan na lamang ay doon na titira at magsisimula ng panibagong buhay? Sa araw na ito, napatunayan kong kaya kong tumulong sa isang tao at sa buong komunidad. Napatunayan kong may magagawang makabuluhan ang simpleng estudyanteng tulad ko. 

Thursday, June 2, 2011

Strangers, again

my friends said i should watch this video. i really don't know what to say.

mga ala-ala

kahit na sinasabi kong okay ako sa mga kaibigan ko, alam ko na para akong isang pagkain sa commercial na maganda at masarap tingnan pero peke pala. gawa sa clay at minsan improvised para hindi masayang o maaksaya. para makapang-akit ng mamimili at mabenta.

sa tuwing hihiga ako ng kama, nakikita ko ang isang taong dati rat'y niyayakap ko doon. binabati ng unan at sinasabihan ng "mahal kita".

sa tuwing magluluto ako, naaalala ko ang picture naming tila mag-asawang endorser ng Cowhead's milk (ata? basta gatas).

sa tuwing hahawakan ko ang camera ko, iniisip ko ang pangungulit at pamimilit ko sa kanyang magkaroon kami ng bagong picture.

yung simpleng upuan nga lang dito sa bahay na alam kong lagi niang unang pupuntahan pagkapasok niya ng bahay, feeling ko nanjan lang siya, nakatingin, sabay yayakapin ako paglumapit na ako.

madami pang memories. ang hirap ng ganitong stage ng buhay. ang sarap magmahal pero ang hirap kalimutan ang lahat kapag hindi na nagwork, kapag nagdesisyon na kayong tumigil na.

being 2POL :P

being 2POL :P

Wednesday, June 1, 2011

God wants me to know...

that sometimes there are storms, and sometimes there is sunshine.


But through all of the seasons of life, God is with you. Whether you are rejoicing or fighting back tears, God wants to share the moment with you. Allow that to happen, give thanks in the good times, ask for help in the difficult times. Take a minute right now and tell God what's on your mind. 

SKYPE with NATSKO

Its been months since the last day that i've talked to my very good friend, Natsko Mizuno Villanueva. She's currently in Australia so we belong to what we call "long distance relationship". However, we refer "relationship" as "friendship". We're not lesbians, we're full-blooded WOMEN. haha

 nosebleed pose
 'cause we're cool like that :)
 she got a G-tech pen (from the Philippines) and i got a Astroboy pen
with Natsko's Domo and my Pamelo
a farewell hug from my friend (just for today) and a bbye wave from me. i'll see and talk to you again, maybe, tomorrow (Lord, please?)
 nosebleed and peace sign
 looser with my sister :)
 nosebleed (fave pose) with my sister
Englisherang natsko at kat (duguan na)

i miss her
i miss every single moment with her
i miss her family
i miss her voice
i miss her always and everyday

i love you everyday Nats :)
<3 pusa