Tuesday, August 16, 2011

Anne Klein


this's my newest baby.

Noong nasa elementary at high-school ako, hindi ako mahilig magsuot ng relo. Pero nung nagsimula na ang karera ko sa buhay dito sa Maynila bilang isang college student, nalaman ko kung gaano kaimportante ang pagkakaroon ng relo.

Sabi ng isa sa mga paborito kong professor sa college, "Time is as precious as gold". Isang katagang lubos na tumatak sa aking isipan. Isang katagang paulit-ulit na bumubulong sa aking tenga sa tuwing ako'y nakatengga lang at nagpapasarap sa buhay. Sa 24 hours na meron sa isang araw, anim (6) na oras ka lang daw dapat natutulog at kung lumampas ka ma'y isa ka ng TAMAD! Yung natitirang labing walong oras (18) naman, hatiin mona sa pagkain, pag-aaral/pagtatrabaho, at kung anu-ano pang mahahalaga mong gagawin para sa isang araw.

Talagang napakahalaga ng oras sa simpleng dahilan na ang bawat lumipas na oras ay hindi na maibabalik pa. Kapag nagawa mo na, nagawa mo na. Kapag sinayang mo na, sinayang mo na. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang tanggapin ang mga nangyare at nagawa mo. Maganda man o hindi. Kontento ka man o gusto mong magsisi.

Ganito ka-importante ang oras. Para sa akin, ang oras ang basehan ko ng aking buhay.

No comments: