Thursday, August 18, 2011

Patawad

by Kat Ongoco

alam kong may pagkakamali
at kailangan itong ituwid,
pagbayaran at huwag ng ulitin

ngunit paano gagawin?
kung ang nabangga'y di nais
makipag-ayos, ni ayaw magpatawad

siguro naman su buong buhay mo
naranasan mo na ang magkamali,
madapa at bumangon muli

sa tingin mo paano yun nangyare?
sa aking palagay, 'yon ay dahil
binigyan ka ng pagkakataong muli

dahil hindi makasarili ang Panginoon,
ang puso niya'y puno ng kabutihan
at hindi kasing tigas ng batong sa'yo

sana matutunan mo ring magpatawad
at magbigay ng pangalawang pagkakataon
sa aming mga nagkulang

di naman palageng perkepkto
sa unang pagsubok at ang lahat
at dumadaan sa pagkakamali

nawa'y bigyan ng chansa at
maayos na ang lahat ng gusot
punan ang bawat butas ng dinaanan

nang sa gayo'y matigil na ang luha
na hindi tumitigil sa pagtulo at muling
makangiti ang taong humingi ng tawad.

No comments: