jamming with my 4POLmates
with John Ree Doctor
Gumising ng maaga. Puno ng kaba. May naiwan ba ako? Ano pa ang kulang? Masyado bang madami ang dinalang gamit? Mahuhuli kaya ako sa oras ng pagkikita? Magiging masaya kaya ang tatlong araw at dalawang gabing retreat sa Caleruega, Batangas? Malayo sa kabihasnan, walang laptop o netbook na nangangahulugang mamahinga muna sa thesis at sa iba pang mga gawain sa eskwela. Wala ring internet na nagsasabing hindi makakapagfacebook, twitter, tumblr at kung anu-ano pang social networking sites kaya ituon muna ang panahon sa Diyos at mamahinga. Walang signal ang aming mga cellphone na tila ibinubulong ng Diyos na ako muna ang kausapin mo at ang salita ko muna ang iyong hintayin.
Nagsimula ang araw sa paghihintay na maka-alis sa UST. Sinundan ng pagdarasal sa bus na sana'y makarating ng maayos at makapagisip ng mga nararapat na gawin sa Caleruega. Di maalis ang magplano habang nililibang ang sarili sa biyahe. Ano nga ba ang gagawin namin? Sana maraming memorya ang aming malikom sa mga araw na aming ilalagi doon.
Sinalubong kami ng free taste ng iba't ibang klase ng buko pie at tart bago kami lubusang makarating sa retreat site. May kalayuan, ngunit nung dumating kami, batid ko ang lubos na pagkakaiba ng lugar sa aming nakabihasnan. Ibang-iba sa syudad na maraming sasakyan at maraming taong maingay at nakadaragdag sa pollusyon.
Napakatahimik ng lugar. Ang sarap pumikit at mamahinga. Ang sarap makipag-usap sa Diyos at humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang at nagawang kasalanan.
Sa laki ng Caleruega, ako'y lubos na namangha. Una kong pinuntahan ay ang matagal ko ng gustong makita na simbahan. Kahit saan ako magpunta, tanaw ko ang simbahan o ang transfiguration chapel. Nagpapatunay lamang na sa lugar na iyon, at sa mga taong naroroon, lubos na nakatataas ang Panginoon kailanman at saan man sila magpunta.
Sa sobrang tahimik ng lugar, nakakahiya ang mag-ingay. Ang bawat pag-hinga ng malalalim ay tiyak ng maririnig, ang bawat huni ng ibon maging ang mga salitang nais ibulong ng panginoon.
No comments:
Post a Comment