Tuesday, October 25, 2011

Paslit na Dalaga

by Kat Ongoco

Para kang isang batang
paslit na walang alam
sa mundo kundi manira
ng araw na halos kasing
ganda at saya na ng isang
dalagitang umiibig.

Ang buo kong katawan
ay namamanhid sa pagkayamot
sa iyong paulit-ulit
na maling gawain.

Tila ang tingin mo sa
iyong sarili'y isa kang
bagong silang sa mundo,
isang sanggol na maaaring
magkamali at madaling
patatawarin.

Ngunit sa totoong mundo,
ikaw ay may edad na,
nasa wastoong edad na
kaya't di na kaaya-aya ang
mag-asal kang bata.

Dina lulusot ang katangahan
sa dami ng iyong ipinagmamalaking
pinagdaanan sa mundo.
Kaya naman, heto ako,
nakikiusap sayo, at sa Panginoon,
na ikaw nawa'y umakto
sa iyong gulang, wasto at hindi
katulad ng batang nadadapa
sa kalye at biglang iiyak
dahil sa sakit na nadama.

No comments: