by Kat Ongoco
Maraming bagay sa mundo
ang patuloy at hindi mapipigilan
ang kakayahang magbago.
Tulad ng katawan,
siguro dati ika'y balingkinitan,
ang iyong katawa'y
lubos na hinahangaan
maging ng iyong mga kaibigan.
Ang iyong buhok,
dati'y tuwid na tuwid,
kasing itim ng langit 'pag gabi
at malabot kaya't parating
hinahaplos ng iyong iniibig.
Isa pa'y ang mukha
na dati'y makinis, maaliwalas
at walang bakas ng
kapaguran, laging nakangiti
sa bawat taong makita.
Ngayon, ang katawan mo'y
maaaring lumaki na parang
isang lobo na hinihipan ng
hanging dala ng pagkaing
iyong kinain.
Ang buhok mo'y unti-unting
nangulot kasabay ng iyong ikalay,
kulay at nagmistulang kahoy at
ang haba'y di na pansin pagkat
ang tubo'y naging pabilog.
Nagliliitang tagihawat ay nagsimulang
manirahan sa iyong mukhang
bilasa na sa polyusyon na dala ng
hangin sa lungsod na tinitirhan,
maging ang ngiti'y di na maaninag.
Ngayon ang iyong tanong,
bakit kailangang magbago ang
minsa'y naging perpekto mong
kaanyuan?
Bakit di na lamang naging kasing
ganda ng iyong katawan ang
bata mong katawan?
Bakit di na lamang naging kasing
haba at tuwid ng iyong buhok
ang buhok mong ngayo'y
naging kulot at tuyo?
Bakit ang mukha mong kasing kinis
ng perlas ay naging kasing gaspang
na ng bato sa kalsada?
Ikaw din ang makakasagot,
ang hangin na nagdala sayo
sa pagbabago ang siyang
tanging makakapagbigay
ng kasagutan sa bawat tanong
na dala ng pagbabago.
No comments:
Post a Comment