by Kat Ongoco
sa tuwing ang bulsa'y
walang buo o barya,
kapag ang card na nasa
pitaka'y wala ring laman,
kapag ang nanay at tatay mo'y
walang maiabot pambaon
patungong eskwela at pangkain
sa tanghalian?
Bakit kailangang ikaw
ang ipambayad ko sa jeep,
taxi, bus, o tricycle
para makapunta sa lugar
na aking pinapangarap.
Bakit kailangang ipunin ka
para mabili ang bag na maibigan
sa mall para sa nalalapit na pasukan?
Bakit kailangang may katumbas
na halaga ang bawat bagay sa
mundong ito na nilikha para
magmahalan at magbigayan
ang sangkatauhan?
Hindi ba pwedeng wala na lang?
Hindi ba pwedeng yakap na lamang
ang aking iabot sa mga kahera
ng tindahan sa mall na aking bibilhan?
'Salamat' na lang ang isusukli
sa drayber ng jeep na nagdala
sa lugar na nais puntahan
at kamayan na lamang si ateng
nag-abot ng kanin at ulam
para sa aking tanghalian?
Kailan magiging libre ang
malinis na hanging lalanghapin,
ang tubig na iinumin,
ang lupa't bahay na titirhan,
ang damit, sapatos, panty, brief,
bra, sabon, shampoo, at
ang lahat ng gamit sa mundo?
Yan ang hindi ko alam. :P
No comments:
Post a Comment