by Kat Ongoco
February 13, 2012
Kung inaakala mong tapos na
ang ingay na naririnig mo
mula sa kapitbahay,
mali ka.
Kung inaakala mong titila na
ang ulan na mula pa
kaninang tanghalian,
mali ka.
Kung inaakala mong patapos na
ang oras ng klase at di na
matatawag ng guro,
mali ka.
Kung inaakala mong ang konting
ngiti mo bilang kandidato
ay makakakuha ng boto,
mali ka.
Kung inaakala mong ang pag-inom
ng alak ay makakatulong
sa paglimot ng problema,
mali ka.
Kung inaakala mong pag-umiyak ka
ngayon ay matatapos na ang
lahat ng problema,
mali ka.
Kung inaakala mong ang pagtunganga
ay lubos na makakatulong
para maging masaya,
mali ka.
Kung inaakala mong iniwan ka
NIYA dahil sa sakit ng
hampas ng hangin sa iyong mukha,
MALI KA.
No comments:
Post a Comment