by Kat Ongoco
February 13, 2012
Pwede kang sumigaw,
walang pipigil sayo.
Kung nais mong umiyak,
malayang ipikit ang mga mata.
Kapag gustong sumayaw,
iindak ang iyong katawan.
Sa tinig na narinig sa radyo,
maaaring iyong sabayan.
Pero kung nais mong maglaho,
tumingin muna sa paligid mo.
Kung inaakalang walang dirinig,
subukang magsalita at mangausap.
Kung masyadong mabigat,
ipikit panandali ang mga mata.
Gamitin ang buong katawan,
upang maipabatid ang nadarama.
Gamitin ang puso at isip,
kung ninanais makarinig.
Kung nais maging masaya,
pagmasdan ang nasa itaas.
No comments:
Post a Comment