Monday, February 27, 2012

Kung Ikaw ay Mawawala, Hiling ko’y Saka na Lamang

by Kat Ongoco 
February 25, 2012

Kung ikaw ay mawawala,
Hiling ko’y saka na lamang
Dahil kaming mga nagmamahal,
Tiyak kong mababahiran
Ng lubos na kalungkutan.

Kung ikaw ay mawawala,
Hiling ko’y saka na lamang.
Napakarami pa ng pasko, bagong taon
At kaarawan na ika’y aming
Nais na makasama.

Kung ikaw ay mawawala,
Hiling ko’y saka na lamang.
Pangarap mo para sa akin, heto’t akin
pang unti-untingpinaghihirapan,
Nang medalya’y sa iyo maibigay.

Kung ikaw ay mawawala,
Hiling ko’y saka na lamang.
Utang kong buhay, Di man mababayaran
Ng kahit anong salapi o bagay
Tiyak na matutumbasan ng tagumpay.

Kung ikaw ay mawawala,
Hiling ko’y saka na lamang.
Sapagkat ang labis na pagmamahal
Ay aking tutumbasan, hanggang sa
huling pagsilay sa maaliwalas na mukha.

No comments: